Sherilyn Reyes, nilisan ang dating bahay dahil sa umano'y kababalaghang nagaganap doon

Sherilyn Reyes, nilisan ang dating bahay dahil sa umano'y kababalaghang nagaganap doon

- Makapanindig balahibo ang naikwento ni Sherilyn Reyes-Tan sa programang 'Mars Pa More'

- Napilitan silang lisanin ang tahanang mahigit 10 taon na nilang tinitirahan dahil sa umano'y entity na hindi na maganda ang naidudulot sa kanila

- Isang kaibigan ang umano'y may third eye ang nakakita rito at sinabing 'minarkahan' pa umano nito ang kanilang bunsong anak na babae

- Kaya totoo man daw o hindi, minabuti na nilang lisanin ang bahay at nakalipat na sila sa mas mapayapang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento ng aktres na si Sherilyn Reyes-Tan ang kababalaghang naganap umano sa kanilang dating tirahan nang maging panauhin siya ng 'Mars pa More'.

Nalaman ng KAMI na ito umano ang dahilan kung bakit kahit mahigit isang dekada na silang nakatira roon ay napilitan nila itong lisanin.

Alam at nararamdaman naman daw nila umano ang kakaibang 'entity' na nakasanayan na raw nila umano sa kanilang bahay.

Read also

OFW mula sa Japan, nagpanggap na delivery rider para isurpresa ang ina

Sherilyn Reyes, nilisan ang dating bahay dahil sa kababalaghang nagaganap doon
Sherilyn Reyes (Photo credit: @sherilynrtan)
Source: Instagram

Ngunit nang magkaroon sila ng bisita na malakas ang thirdeye, nakita umano nito ang dalawang bata na kasama ang kanilang anak na babae.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang masaklap, 'minarkahan' pa umano ng mga entity na ito ang anak ni Sherilyn ng '14.'

"Meaning, on or before her 14th birthday, tutulog na lang siya hindi na siya gigising," paliwanag daw kay Sherilyn.

Kaya naman hindi na nagdalawang isip ang pamilya ni Sherilyn na maghanap ng bagong malilipatan.

Ngunit nang makakita na sila ng bagong tahanang malilipatan, bigla lamang napaubo ang kanyang mister na agad na nagpadala sa ospital.

Mahigit isang linggo rin sila roon na naging dahilan ng hindi agad nila pag-alis sa dating tirahan.

Nang makalipat naman, isa pa ring ritwal umano ang kanilang ginawa na gumimbal din sa kanilang pamilya dahil habang isinasagawa ito, nabasag sa di malamang dahilan ang mangkok na may asin.

Read also

Janus Del Prado, kailanma'y 'di raw siniraan si 'J': "Sobrang taas ng respeto ko sa erpats niya"

Sa ngayon, maayos at tahimik nang nainirahan sa bagong bahay si Sherilyn at kanyang pamilya.

Si Sherilyn Reyes-Tan ay isang aktres na nakilala noong dekada '90. Samantala, Si Ryle Santiago o Ryle Paolo Sebastian Reyes Santiago sa tunay na buhay ay nakilala matapos maging bahagi ng all-male group na Hashtags na dating napapanood sa noontime show na It's Showtime. Bukod sa husay sa pagsayaw, isa din siyang mang-aawit at aktor. Siya ay anak ng aktres na si Sherilyn Reyes-Tan sa kapatid nina Rowell at Randy na si Junjun Santiago.

Kamakailan, naikwento naman ni Sherilyn sa kanyang Instagram post ang aksidenteng inakala niyang magiging katapusan na niya. Mabuti na lamang agad agad siyang nadala sa ospital upang mabigyan agad ng medikal na atensyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel