Kylie Padilla at Aljur Abrenica, present sa school event ng anak nila

Kylie Padilla at Aljur Abrenica, present sa school event ng anak nila

- Ibinida ni Kylie Padilla ang isang video na kuha sa isang school event ng mga anak nila ni Aljur Abrenica

- Makikita din na nakalagay sa credits ang pangalan ni Aljur na nangangahulugang naroroon din siya sa naturang event

- Ayon pa kay Kylie, mismong siya ang nag-udyok na maging present sila ni Aljur sa mga performances ng anak nila sa school

- Matatandaang isa sa pinag-usapang showbiz breakup ang paghihiwalay ng dating mag-asawang Aljur at Kylie

Nagbahagi si Kylie Padilla ng isang espesyal na video mula sa school event ng kanilang mga anak ni Aljur Abrenica, kung saan kapwa sila present upang suportahan ang mga performances ng kanilang mga anak. Sa nasabing video, makikitang nakalagay sa credits ang pangalan ni Aljur, na nagpapatunay na dumalo rin siya sa naturang okasyon.

Kylie Padilla at Aljur Abrenica, present sa school event ng anak nila
Kylie Padilla at Aljur Abrenica, present sa school event ng anak nila
Source: Instagram

Ayon kay Kylie, siya mismo ang nag-udyok sa dating asawa na si Aljur na maging present sila sa mahahalagang sandali ng kanilang mga anak. Ibinahagi rin ng aktres na ito ay bahagi ng kanilang pagsisikap na muling paghilumin ang kanilang mga sugatang puso, matapos ang kanilang kontrobersyal na hiwalayan.

Read also

Sue Ramirez at Dominic Roque, usap-usapan matapos silang makitang magkasama sa Siargao

Aniya, “I urge their dad and I to be present for their performances for precisely this moment. Hearts are healing.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kylie Padilla at Aljur Abrenica, present sa school event ng anak nila
Kylie Padilla at Aljur Abrenica, present sa school event ng anak nila
Source: Instagram

Matatandaang naging mainit na usap-usapan sa showbiz ang paghihiwalay nina Aljur at Kylie, ngunit ngayon ay kapansin-pansin ang kanilang pagsusumikap na magkasamang gampanan ang pagiging magulang para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Naitanong kay Kylie ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang relasyon na itinaon nila sa paggunita ng Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan.

Read also

Antonette Gail, umalma sa mga bashers ng kanyang pananamit

Diretsahang sinabi ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate