Boy Abunda, may nabanggit sa umano'y maugong na hiwalayan nina AiAi at Gerald

Boy Abunda, may nabanggit sa umano'y maugong na hiwalayan nina AiAi at Gerald

- Maugong umano ang nababalitang hiwalayan nina AiAi Delas Alas at asawang si Gerald Sibayan

- Isa si Boy Abunda sa mga natatanong kung may katotohanan usaping ito

- Ani Boy, isa umano ito sa kanyang aalamin sa panayam niya kay Aiai sa kaarawan nito sa November 11

- Bagama't may mga nagsasabing totoo umano ang nababalitang hiwalayan, marami naman ang umaasang isa lamang ito sa ,ga hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Bilang teaser, nabanggit ni Boy Abunda ang mainit na tatalakayin nito sa November 11 episode kung saan panauhin niya si AiAi Delas Alas.

Boy Abunda, may nabanggit sa umano'y maugong na hiwalayan nina Aiai at Gerald
Boy Abunda, may nabanggit sa umano'y maugong na hiwalayan nina Aiai at Gerald (AiAi Delas Alas)
Source: Facebook

Ayon kay Boy sa programa niyang Fast Talk, isa sa mga uusisain niya sa kaibigan ay ang napapabalitang hiwalayan nito kay Gerald Sibayan.

Kwento ni Boy, bakasyon pa lamang niya sa Amerika kamakailan nang tanungin siya kung may katotohanan ba ang napapabalitang ito.

Read also

Sue Ramirez at Dominic Roque, usap-usapan matapos silang makitang magkasama sa Siargao

"Nagsimula po ang ugong na ito ng 'di umano'y si Aiai at si Gerald ay nagkahiwalay na... Kami ay may common friend ni Aiai na nagtanong, 'Boy, naghiwalay na ba si Aiai at saka si Gerald? At ang sagot ko po ay hindi ko alam. At yun po ang totoo nung ako ay nasa US. Hindi ko talaga alam."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, hahayaan na lamang niya ang kaibigang si Aiai ang magkumpirma kung totoo nga ba o hindi ang maituturing na malungkot na balita.

"Pero sabi ko, tatanungin natin. dahil hindi lamang po artista ang turing ko kay Aileen. Siya po ay pamilya. She is family to me. So, may mga pabulong na pag-uusap, may mga speculations na. May mga nagsasabi na hiwalay na nga si Aiai at saka si Gerald.

Read also

Mayor Niña Jose-Quiambao sa 'palit mic' issue noon: "Maarte ako pero 'di ako mapangmatang tao"

"Ito po ang mangyayari. Sa Lunes, November 11, Aiai is celebrating her 60th birthday. Dito po sa Fast Talk with Boy Abunda. At itatanong natin, hiwalay na ba si Aileen, si Aiai at kanyang asawa. Malalaman ho natin, sabay ho natin malaman. 'Yan po ang isa sa mga tanong na ating tatalakayin."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Ai-Ai Delas Alas ay isang aktres at komedyante sa Pilipinas. Sa dami ng nagawa niyang pelikula, isa sa pinakatumatak na karakter niya ay bilang si Ina Montecillo sa serye ng pelikulang 'Ang Tanging Ina.' Sa naturang pelikula niya naging anak si Jiro Manio na maging sa totoong buhay ay trinato na niyang parang anak sa tulong na naibibigay nito sa dating aktor.

Matagal na panahon na ring namalagi si Aiai sa Amerika kasama ang mister na si gerald. Sa naturang interview rin sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Ai-Ai na bumabalik lamang siya sa bansa kung mayroon siyang proyektong gagawin. Tulad na lamang ng pagbabalik telebisyon ng 'The Clash' sa GMA.

Read also

Claudine Barretto, naka-relate sa pinagdadaanan ni Rita Daniela: "I myself was a victim years ago"

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin, sinabing hanga umano siya sa disiplina ni Ai-Ai sa sarili maging sa pagkaing kinakain nito. Ayon kay Cristy, iyon umano ang pinakamagandang panuntunan sa buhay ng 'Queen of Comedy' ng Pilipinas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica