Nora Aunor, ikinagulat ang sinabi ni Boss Toyo na halaga ng kanyang lumang damit

Nora Aunor, ikinagulat ang sinabi ni Boss Toyo na halaga ng kanyang lumang damit

- Pinuri si Boss Toyo ng mga Noranian sa kanyang donasyon kay Nora Aunor para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol

- Ibinahagi ni Boss Toyo ang pagbisita ni Ate Guy sa kanyang shop dala ang damit na isinusuot nito noong nanalo sa Tawag ng Tanghalan

- Nagbigay si Boss Toyo ng PHP250,000 bilang donasyon para sa relief goods na ipamamahagi ni Nora sa Bicol

- Ayon kay Nora, patuloy pa rin ang pagtanggap ng mga donasyon ngunit nais pa niyang madagdagan ang tulong para sa kanyang mga kababayan

Pinuri ng mga Noranian si Boss Toyo dahil sa kanyang donasyon kay Nora Aunor para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol. Ibinahagi ng vlogger at may-ari ng Pinoy Pawnstars ang pagbisita ni Ate Guy sa kanyang shop.

Nora Aunor, ikinagulat ang sinabi ni Boss Toyo na halaga ng kanyang lumang damit
Nora Aunor, ikinagulat ang sinabi ni Boss Toyo na halaga ng kanyang lumang damit
Source: Youtube

Dala nito ang damit na isinusuot niya noong nanalo ito sa Tawag ng Tanghalan noong 1967. Ayon kay Boss Toyo, matagal nang inimbita ni Nora na pumunta sa kanyang shop dahil marami siyang mga item na ibinenta ng mga tagahanga ng Superstar.

Read also

Miss Grand Myanmar, nagpaliwanag kung bakit siya naiyak

Sa video, makikita si Nora na nag-sign ng Nora Aunor dolls na ipinamimigay kay Boss Toyo bilang bahagi ng donasyon. Aniya, nag-alangan siya sa pagsasagawa nito, ngunit ginawa pa rin niya ito para sa mga nangangailangan. "Kaya ko po dinala para makita po ninyo. Ang pakay ko po talaga ay para makatulong po kayo sa mga kababayan po natin na nasalanta ng bagyong si Kristine sa Bicol," paliwanag ni Ate Guy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Namangha si Boss Toyo sa halaga ng damit ni Nora at sinabing "Ang worth po nito ay assess ko, hindi ito bababa sa PHP5 million." Nagbigay siya ng PHP250,000 bilang donasyon para sa pamimigay ni Nora ng relief goods sa Bicol. Ayon kay Nora, maraming donasyon na ang dumating, ngunit nais pa niyang madagdagan ito upang makapagpadala ng higit pang tulong sa kanyang mga kababayan.

Read also

Joey G, binawalan na umanong kantahin ang 'Forevermore'; nais makausap ang composer

Nagpakumbaba si Nora kay Boss Toyo, sinabing hindi siya bumisita bilang artista kundi bilang isang simpleng tao na nais makatulong. “Wala pong superstar… wala pong artista sa pag-uusap po natin. Ordinaryong tao lang po tayo,” dagdag niya. Sa kanyang YouTube channel, nagpasalamat si Nora kay Boss Toyo, binigyang-diin ang pangangailangan ng mga tao sa Bicol para sa pagkain, kumot, at damit.

Si Nora Aunor o Nora Cabaltera Villamayor ay sumikat sa mundo ng showbiz hindi lamang sa husay niya sa pag-arte kundi maging sa kanyang pag-awit. Naging film producer na rin siya kinalaunan. Nakilala siya sa bansag na "Superstar" at isinusulong ng marami na maging National Artist.

Matatandaang inihayag ni Nora ang kanyang kasiyahan na nakasama niya ang kanyang mga anak at mga apo. Ito ay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan kasama ang mga taong malalapit sa kanya.

Nauna nang naiulat ng KAMI na nagkaayos na sina Matet at ang ina nitong si Nora matapos ang naging isyu kaugnay sa negosyo nila. Binahagi ni John Rendez ang video ng muling pagkikita ng mag-ina matapos imbitahin ni Nora si Matet sa birthday celebration ni John.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate