Gina Pareño, may hiling sa kanyang birthday: "Sana maalala nila ako"

Gina Pareño, may hiling sa kanyang birthday: "Sana maalala nila ako"

- Si Gina Pareño ay nagdiwang ng kanyang ika-77 kaarawan ngayong araw, Oktubre 20, na may simpleng hiling na muling makapag-arte sa telebisyon o pelikula

- Sa isang panayam, inamin niya na labis siyang nami-miss ang pag-arte at nakakaramdam ng kalungkutan kapag wala siyang proyekto

- Ipinahayag ni Gina ang kanyang birthday wish na makasama sa isang film or television project at umarte muli

- Ang kanyang kasiyahan sa kasalukuyan ay nagmumula sa pag-aalaga sa kanyang mga anak, apo, at alagang hayop

Sa kanyang ika-77 kaarawan ngayong araw, Oktubre 20, isang simpleng hiling ang ibinahagi ng batikang aktres na si Gina Pareño—ang muling makakita ng ilaw ng camera sa telebisyon o sa pelikula. Sa isang panayam kasama ang entertainment reporter na si MJ Felipe ng ABS-CBN News, inamin ni Gina na labis niyang nami-miss ang pag-arte sa harap ng kamera.

Read also

Charo Santos, opisyal nang Philippine Air Force (PAF) reservist

Gina Pareño, may hiling sa kanyang birthday: "Sana maalala nila ako"
Gina Pareño, may hiling sa kanyang birthday: "Sana maalala nila ako"
Source: Instagram

“Buhay pa! Alive and kicking!” ang naging sagot niya nang tanungin tungkol sa kanyang kalagayan. Ipinahayag niya na tila naghahanap siya ng pagkakataon upang muling umarte. “Nalulungkot ako ‘pag hindi ako umaarte. Kaya nag-ti-TikTok ako, nakakaarte ako,” dagdag niya. Para kay Gina, ang pakiramdam na wala siyang project ay nagdudulot ng kalungkutan. “Unhappy ako kapag wala akong ilaw at camera, parang nakalimutan na nila ako,” aniya.

Nang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish, sinabi niyang umaasa siyang makabawi sa industriya. “Baka gusto niyo akong mailawan at umakting. Sama niyo naman ako,” pahayag niya. Ayon sa kanya, ang kanyang kasiyahan sa mga panahong ito ay nagmumula sa pag-aalaga sa kanyang mga anak, apo, at mga alagang hayop.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mahalagang banggitin na si Gina ay pumasok sa mundo ng showbiz noong 1960s, sa edad na 17. Kabilang sa kanyang mga tanyag na pelikula ay “Kubrador,” “Serbis,” “Si Darna at ang Planetman,” at “Tayong Dalawa.” Dahil sa kanyang kahusayan sa pag-arte, tinagurian siyang “Queen of Philippine Melodrama.”

Read also

Kris Aquino, nagbahagi ng health update matapos niyang makauwi sa Pilipinas

Matatandaang nilinaw ni Gina ang naging pahayag niya sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz. Ito ay kaugnay sa umano'y pag-amin niyang isa siyang miyembro ng LGBT . Aniya, hindi niya alam ang termino na ito subalit inamin niyang nakipagrelasyon siya sa isang babae.

Sa isang panayam kay Ogie Diaz para sa vlog nito, ay nagbigay ng apela sa mga kaibigan at kasamahan sa industriya ng entertainment sa Pilipinas si Gina. Nagpahayag ang beteranang aktres na siya ay umaasa na muling makapag-arte sa harap ng camera. Sinabi niya na nami-miss niya ang pag-arte, kaya madalas siyang umaarte mag-isa sa kanyang kwarto at ini-upload ito sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate