Roxanne Ginoo, alagang-alaga ang amang nagkaroon ng cellulitis

Roxanne Ginoo, alagang-alaga ang amang nagkaroon ng cellulitis

- Alagang-alaga ni Roxanne Guinoo ang kanyang ama matapos itong tamaan ng cellulitis na nagdulot ng pamamaga at kirot sa binti

- Nagbahagi si Roxanne sa Instagram ng video ng kanyang pag-aasikaso sa ama at nagbigay ng babala tungkol sa panganib ng cellulitis

- Nagpasalamat si Roxanne sa lahat ng nanalangin para sa kaligtasan at paggaling ng kanyang ama

- Ayon sa WebMD, ang cellulitis ay isang bacterial infection na maaaring humantong sa malubhang komplikasyon kung hindi maaagapan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Todo ang pag-aalaga ng aktres na si Roxanne Guinoo sa kanyang ama matapos itong ma-diagnose na may cellulitis, isang impeksyong bacterial na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon kung mapapabayaan.

Roxanne Ginoo, alagang-alaga ang amang nagkaroon ng cellulitis
Roxanne Ginoo, alagang-alaga ang amang nagkaroon ng cellulitis
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Roxanne ang video ng kanyang pag-aasikaso sa ama at ibinahagi ang kanilang pinagdaanan. Aniya, nakaranas ang kanyang ama ng pamamaga at matinding kirot sa binti na nagdulot ng sugat at impeksyon pagkatapos ng dalawang linggo.

Read also

AJ Raval, may makahulugang mensahe sa boyfriend na si Aljur Abrenica

Pinahayag din ni Roxanne na kung hindi maagapan, maaaring umabot ang impeksyon sa buto na posibleng magdulot ng pagputol sa apektadong bahagi.

Nagbigay siya ng paalala sa mga followers na agad gamutin ang kahit maliliit na sugat upang maiwasan ang komplikasyon ng cellulitis. "Kung sakali po tayo ay magka sugat, agarin po natin na gamutin dahil pwede po itong mangyari,” dagdag pa niya sa caption.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isa pang post, nagpasalamat si Roxanne sa lahat ng nanalangin para sa kaligtasan at mabilis na paggaling ng kanyang ama. Ayon sa WebMD, ang cellulitis ay isang impeksyong sanhi ng bacteria tulad ng Streptococcus at Staphylococcus, na maaaring magdulot ng pamumula, pamamaga, at pananakit sa balat.

Kapag hindi ginamot nang maayos, maaaring kumalat ang impeksyon sa mas malalalim na bahagi ng katawan, tulad ng mga lymph nodes at bloodstream, na nagiging sanhi ng mas seryosong problema.

Read also

Transman na si Jesi Corcuera, emosyonal nang sabihin bakit nagdesisyon siyang magbuntis

Si Roxanne Guinoo ay isang Filipinang aktres na nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang sumali sa reality talent search na Star Circle Quest ng ABS-CBN noong 2004. Matapos ang kanyang debut, naging bahagi siya ng maraming teleserye at pelikula tulad ng Mga Anghel na Walang Langit, Sineserye Presents: Natutulog Ba ang Diyos?, at Ligaw na Bulaklak, kung saan lalo siyang sumikat.

Kamakailan ay nag-post si Roxanne Guinoo ng isang TikTok video na umantig sa puso ng mga netizen. Ibinahagi niya na tuwing Linggo ay binibisita niya ang kanyang mga magulang at sinisiguradong malinis ang kanilang bahay bago siya umalis.

Naglabas din si Roxanne ng isang cute na TikTok video kasama ang kanyang asawang si Elton. Ang naturang video ay nakakuha na ng mahigit 800,000 views sa nasabing video-sharing app. Sa video, sumabak ang mag-asawa sa "Who's more likely challenge" at ginawa nila ito nang nakakatuwa. Marami ring komento mula sa mga netizen ang nakuha ng video, at nagpahayag sila ng paghanga kay Roxanne.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate