Mickey Ablan, ginunita ang isang taon ng pagpanaw ng anak na si Yza

Mickey Ablan, ginunita ang isang taon ng pagpanaw ng anak na si Yza

- Ginunita ni Mickey Ablan ang unang anibersaryo ng pagpanaw ng kanyang panganay na anak na si Yza kasabay ng pagdiriwang ng unang kaarawan ng bunsong anak na si Leon

- Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Ablan ang paglalakip ng pananampalataya sa Diyos bilang bahagi ng kanyang lakas sa pagharap sa pagkawala ni Yza

- Nagbahagi siya ng mga alaala ni Yza mula sa kanyang pagkabata, na nagsisilbing paalala ng pagmamahal at alaala ng anak

- Para kay Ablan, ang araw na ito ay isang “celebration of life” na nagpapakita ng misteryo at plano ng Diyos

Mapait ngunit makabuluhang araw ang ika-7 ng Oktubre para kay Mickey Ablan, isang taon matapos ang pagpanaw ng kanyang panganay na anak na si Yza. Kasabay ng paggunita ng unang anibersaryo ng pagkawala ni Yza, ipinagdiriwang din ng pamilya ang unang kaarawan ng bunsong anak ni Mickey na si Michael Zab Leon, na isinilang sa parehong araw noong nakaraang taon.

Read also

Carlos Yulo, may bagong chocolate drink commercial

Mickey Ablan, ginunita ang isang taon ng pagpanaw ng anak na si Yza
Mickey Ablan, ginunita ang isang taon ng pagpanaw ng anak na si Yza
Source: Facebook

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Ablan ang kanyang damdamin at pananampalataya sa Diyos sa kabila ng mapait na karanasan. "Bitter Sweet Day October 7, 2023," ani Mickey. “GOD Moves in Mysterious ways. Just Trust and Have Faith.” Kasama ng kanyang mensahe ang larawan ni Yza sa mismong araw ng pagsilang ng kanyang kapatid na si Leon, bilang simbolo ng kanilang magkaibang kapalaran.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagbahagi rin si Mickey ng isang photo compilation ng mga alaala ni Yza mula sa kanyang pagkabata. Aniya, “Blessed One Year in Heaven my First Born Angel Ate @yzaablan. Not a day goes by I don’t think about you... but I Trust GOD'S Will and that's where I find comfort.” Ayon pa sa ama, bagaman wala na si Yza sa pisikal na mundo, mananatili ang kanyang alaala at diwa sa kanilang puso hanggang sa muli silang magkasama sa langit.

Read also

Awra Briguela, tinuloy ang kanyang pag-aaral; ibinida ang kanyang uniform

Mickey Ablan, ginunita ang isang taon ng pagpanaw ng anak na si Yza
Mickey Ablan, ginunita ang isang taon ng pagpanaw ng anak na si Yza
Source: Instagram

Para kay Mickey, isang “celebration of life” ang araw na ito. Isang anak ang umuwi na sa Diyos habang ang isa ay isinilang sa mundo, at sa gitna ng kanyang pagdadalamhati, nananatiling buo ang kanyang pananalig sa plano ng Maykapal.

Matatandaangy ibinahagi ni Iwa Moto ang kanyang paraan kung paano niya kinakaya ang pinagdadaanang kalungkutan. Sa kanyang post sa TikTok ay dinaan niya sa paglalaro ng rubiks cube ang lungkot na nararamdaman. Matatandaang kamakailan ay kabilang si Iwa sa naghayag ng matinding kalungkutan sa balitang pumanaw si Yzabel na naging malapit sa kanya noong karelasyon pa ni Iwa ang ama nito.

Ibinahagi ni Janna ang nakakaantig na picture ng kanyang partner na si Mickey. Nakaupo ito at umiiyak sa harap ng puntod ng anak na si Yzabel. Hindi man makita ang kanyang mukha ay marami sa netizens ang naantig at patuloy na nakikiramay. Si Yzabel ang panganay na anak ni Mickey sa unang karelasyon niya pero naging malapit din si Yzabel kay Janna.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate