Toni Fowler, nag-post tungkol sa taong nang-iwan sa kanya: "Wala na kayong babalikan"

Toni Fowler, nag-post tungkol sa taong nang-iwan sa kanya: "Wala na kayong babalikan"

- Naglabas si Toni Fowler ng matapang na pahayag sa Threads laban sa mga taong iniwan siya sa kabila ng kanyang tulong at pagmamahal

- Sinabi ni Toni na iniwan siya ng mga taong ito habang siya ay buntis at mahina

- Binigyang-diin ni Toni na hindi siya nawalan at wala siyang balak gumanti sa mga nang-iwan sa kanya

- Nagbabala siya na mabilis ang karma at wala nang babalikan ang mga taong umalis sa kanyang buhay

Sa isang matapang na pahayag sa Threads, nagbahagi si Toni Fowler ng kanyang damdamin ukol sa mga taong iniwan siya sa kabila ng kanyang pagsuporta at pagmamahal. Ayon kay Toni, naging malaking bahagi siya sa buhay ng mga taong ito, ngunit sa kabila ng kanyang pagtulong, siya ay niloko, inabuso, at iniwan sa panahon ng kanyang kahinaan at pagbubuntis.

Toni Fowler, nag-post tungkol sa taong nang-iwan sa kanya: "Wala na kayong babalikan"
Toni Fowler, nag-post tungkol sa taong nang-iwan sa kanya: "Wala na kayong babalikan"
Source: Facebook

"Hinding hindi ko makakalimutan ang mga taong tinulungan ko, minahal ko, at binuhay ko pero ginago, inabuso, iniwan ako ngayong buntis at mahina ako," saad ni Toni sa kanyang post. Binanggit din niyang hindi kawalan ang mga taong ito sa kanyang buhay at hindi niya planong gumanti.

Read also

44-Anyos na babae brutal na pinatay sa Sara, Iloilo; stepdaughter, ginahasa ng suspek

Nagbabala siya na mabilis si "karma" at matinding good luck ang kailangan ng mga ito dahil sa kanilang naging desisyon. Aniya pa, marami na ang nagsisi sa paglayo sa kanya, ngunit sa pagkakataong ito, "wala na kayong babalikan."

Toni Fowler, nag-post tungkol sa taong nang-iwan sa kanya: "Wala na kayong babalikan"
Toni Fowler, nag-post tungkol sa taong nang-iwan sa kanya: "Wala na kayong babalikan"
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay isang kilalang content creator, YouTuber, at social media influencer sa Pilipinas na nakilala dahil sa kanyang matapang na personalidad at pagiging bukas sa kanyang mga karanasan at opinyon. Sumikat siya sa social media, lalo na sa YouTube, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang pang-araw-araw na buhay, mga pagsubok, at mga opinyon sa iba’t ibang isyu.

Matatandaang idinaan ni Toni Fowler sa isang TikTok video ang biro tungkol sa pakikipag-break niya kamakailan kay Vince Flores. Sa kanyang binahaging TikTok video makikita si Toni na sumasayaw na kinalaunan ay sinabayan ni Vince. Matatandaang matapos ihayag ni Toni kamakailan ang paghihiwalay nila, marami sa kanilang fans ang nalungkot. Gayunpaman, hindi nagtagal at sinabi ni Vince na nagkaayos lang sila at dala lang ng pagbubuntis ni Toni ang mataas na emosyon nito.

Read also

Rendon Labador, naglabas ng paalala sa mga content creators na naghain ng COC

Binahagi din ni Toni ang throwback pictures niya kasama sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz. Ito ay upang batiin sila sa kanilang pagpapakasal nito lamang nagdaang Saturday, 18 May sa Tagaytay. Ani Toni, ang pictures nilang iyon ay noong panahong tuwang-tuwa sila sa kanya dahil si Toni ang nagtuturo ng dance steps nila sa guesting nila sa It's Showtime. Aminado din si Toni na dahil dito ay pakiramdam niya ay ang tanda niya na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: