Robi Domingo, emosyonal na binahagi ang kanyang hiling sa kaarawan

Robi Domingo, emosyonal na binahagi ang kanyang hiling sa kaarawan

- Binahagi ni Robi Domingo ang kanyang hiling at reflections sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-35 na kaarawan

- Aniya, bilang isang tao na mahilig magplano ay hindi niya inasahan ang mga nangyari sa kanila lalo na sa pagkakasakit ng asawa niya

- Gayunpaman, aniya, hiling niya na kapag umayos na ang kalusugan ni Maiqui ay mabiyayaan na rin sila ng anak

- Hindi niya napigilang maiyak habang binabahagi niya ang kanyang reflections

Sa kanyang pagdiriwang ng ika-35 na kaarawan, hindi napigilan ni Robi Domingo ang maging emosyonal habang binabahagi ang kanyang hiling at mga pagninilay. Ayon sa kilalang TV host, bilang isang taong likas na mahilig magplano, hindi niya inasahan ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay, lalo na ang pagkakasakit ng kanyang asawa, si Maiqui Pineda.

Robi Domingo, emosyonal na binahagi ang kanyang hiling sa kaarawan
Robi Domingo, emosyonal na binahagi ang kanyang hiling sa kaarawan
Source: Instagram

Aminado si Robi na ang kalusugan ng kanyang asawa ang isa sa mga pinakamalaking hamon na hinarap nila bilang mag-asawa. Naging malaking hadlang ang kondisyon ni Maiqui para sa ilan sa kanilang mga plano, at inamin ni Robi na naging mahirap ang mga nagdaang taon para sa kanilang dalawa.

Read also

Xian Gaza, binahagi ang picture nina Maris Racal at Anthony Jennings

Sa kabila ng mga pagsubok, may isang bagay na taimtim na hiniling ni Robi sa kanyang kaarawan—ang tuluyang paggaling ni Maiqui at ang pagdating ng isang anak sa kanilang buhay.

I don’t ask for much, but this is one wish I hope it will come true. I think I’m ready for it... in His perfect time.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi naiwasan ni Robi na maging emosyonal habang binabahagi ang kanyang mga damdamin. Gayunpaman, buo ang kanyang pananalig na sa tamang panahon, maaabot nila ni Maiqui ang kanilang pangarap na maging magulang.

Sa kabila ng mga nararanasang pagsubok, patuloy si Robi sa kanyang positibong pananaw sa buhay at umaasa na mas maliwanag na ang hinaharap para sa kanilang pamilya.

Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo o mas kilala bilang si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host. Una siyang sumikat sa mundo ng showbiz nang sumali siya at kinilala bilang first runner-up ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Naging bahagi siya ng mga artista ng Star Magic.

Read also

Kyline Alcantara, nag-share ng picture nila ni Kobe Paras: "Together with him"

Matatandaang nagbigay komento si Rob kaugnay sa viral na PBB teens episode. Imbis na Gomburza ang isagot patungkol sa Filipino martyr priests, "MaJoHa" ang isinagot ng housemate. Kaya naman may hamon si Robi sa mga content creators ngayon sa paglikha ng mas makabuluhang mga konsepto ng kanilang video. Aniya, nasasalamin din sa pangyayari ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Kabilang si Robi sa naging usap-usapan lalo nang mabanggit sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino. Sa kanyang official Twitter page, nagpost si Robi ng tanong na "how true." Dahil sa kainitan ng isyu tungkol sa mga screenshots na nilabas ni Wilbert Tolentino, hindi maiwasan ng mga netizens na iugnay ang post na ito ni Robi sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate