Xian Gaza, binahagi ang picture nina Maris Racal at Anthony Jennings

Xian Gaza, binahagi ang picture nina Maris Racal at Anthony Jennings

- Ibinahagi ni Xian Gaza ang larawan nina Maris Racal at Anthony Jennings na magkaparehas ng sapatos

- Nagbigay si Xian ng mga mapangahas na komento na tila may banat sa nakaraang relasyon ni Maris kay Rico Blanco

- Pinuri ni Xian sina Rico at isa pang lalaki dahil sa pananatiling tahimik sa kanilang mga hiwalayan

- Binanggit ni Xian si Carlos Yulo at ikinumpara sa mga lalaking hindi inilalabas ang mga personal na isyu sa publiko

Nag-trending muli si Xian Gaza matapos niyang ibahagi sa social media ang isang larawan nina Maris Racal at Anthony Jennings, kung saan makikitang magkaparehas ang kanilang sapatos. Sa caption ng post, pabirong sinabi ni Xian, "NICE SHOES," na tila may patama tungkol sa tila pagiging magkatugma ng dalawa.

Xian Gaza, binahagi ang picture nina Maris Racal at Anthony Jennings
Xian Gaza, binahagi ang picture nina Maris Racal at Anthony Jennings
Source: Facebook

Matatandaang kamakailan lamang ay naging emosyonal si Maris nang aminin niyang hiwalay na sila ng longtime partner niyang si Rico Blanco. Sa mga komento ni Xian, tila may banat pa ito tungkol sa hiwalayang iyon, kabilang ang:

Read also

Jackie Forster, nag-react sa 'special reveal' post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara

"Si Rico hindi mo mapagsusuot ng ganyan kasi matanda na pang-Rusty Lopez siya," ani Xian, na tila ipinapakita ang kaibahan ng henerasyon sa pagitan nina Rico at Anthony.

Dagdag pa niya, "May naalala tuloy ako umiyak-iyak din sa live, akala tuloy ng publiko si lalaki yung nagloko." Sinundan niya ito ng papuri kay Rico at sa isa pang lalaking hindi niya pinangalanan, na ayon sa kanya ay parehong nanatiling tahimik at hindi sinira ang imahe ng kanilang mga ex.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Read also

Kyline Alcantara, nag-share ng picture nila ni Kobe Paras: "Together with him"

Samantala, marami ang kinilig sa birthday greeting ni Rico Blanco kay Maris. Nagdiriwang ng kaarawan si Maris noong Setyembre 22. Sa kanya namang socmed, nagbahagi si Maris ng ilan sa kanyang mga larawan. Taong 2021 nang aminin ni Maris sa "Magandang Buhay" na bago pa man ang pandemic ay may relasyon na sila ni Rico.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate