Alexie Brooks, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola

Alexie Brooks, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola

- Nagdadalamhati si Alexie Brooks sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola

- Ibinahagi niya sa social media ang kanyang matinding kalungkutan at emosyon

- Isinulat ni Alexie ang isang huling mensahe para sa kanyang lola bago ito pumanaw

- Itinuturing niyang ang lola ang kanyang ina, ama, matalik na kaibigan, at gabay sa buhay

Lubos na nagdadalamhati si Alexie Brooks sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola. Sa isang emosyonal na post, ibinahagi niya ang kanyang matinding kalungkutan at pagkabigla sa pagkawala ng taong pinakamahal niya.

Alexie Brooks, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola
Alexie Brooks, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola
Source: Facebook
"Today, I lost the person I loved more than anything, and the pain is unbearable. I’m at a loss for words. Lola, I loved you with everything I had, and now I feel completely shattered and unable to move on. I am heartbroken. God please," ayon kay Alexie.

Kasabay ng kanyang mga salita ng pagdadalamhati, ibinahagi rin ni Alexie ang isang mensaheng isinulat niya noong huling beses niyang makita ang kanyang lola noong nakaraang buwan.

Read also

Kaladkaren at Luke Wrightson, ikinasal na sa United Kingdom

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"I wrote this when I was next to you last month during my visit home. My hands were shaking, my heart was breaking, and tears were falling from my eyes as I writing. I know in my heart that you were never mine to keep," aniya.

Dagdag pa niya, sa mga huling sandali ng kanyang lola, hindi niya mapigilang umiyak at humiling sa Diyos na huwag muna itong kunin.

Ibinahagi rin ni Alexie ang tindi ng kanyang kalungkutan sa pagkawala ng lola na itinuturing niyang hindi lamang lola kundi isang ina, ama, matalik na kaibigan, at gabay sa buhay.

Si Alexie ay ipinanganak sa isang inang Pilipina na isang overseas Filipino worker sa Lebanon at hindi pa niya kailanman nakilala ang kanyang ama. Pinalaki siya ng kanyang Lola Basing, na hinalikan niya sa noo nang makuha niya ang korona bilang Miss Iloilo. Isa sa mga dahilan kung bakit naging viral si Alexie ay ang mga nakakaantig na litrato nila ng kanyang lola noong gabi ng koronasyon.

Read also

Gigi De Lana, sinagot bakit tinuloy pa noon ang shows sa kabila ng pagpanaw ng ina

Matatandaang nagbahagi si Rabiya ng kanyang mensahe upang ihayag ang suporta niya sa pambato ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines pageant 2024. Binigyang pugay ni Rabiya ang 'hardwork at scrifice' ni Alexie Brooks at ng team nito ilang oras bago ang coronation night. Aniya, manonood siya at isisigaw ang pagsuporta niya kay Alexie na kagaya niya ay mula sa Iloilo.

Naging panauhin ni Boy Abunda ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2024 na si Chelse Manalo. Ilan sa mga napag-usapan nila ay ang tungkol sa iba pang mga kandidatang nakasalamuha niya sa paligsahan. Isa na rito si Miss Iloilo na hindi umano kinatakutan ni Chelsea. Aniya, isa si Miss Iloilo sa mga una niyang nakasama mula nang magsimula ang pageant.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate