Sarina Hilario, hinangaan sa bersyon niya ng 'Maybe This Time'

Sarina Hilario, hinangaan sa bersyon niya ng 'Maybe This Time'

- Umani muli ng papuri ang video na binahagi ni Sarina Hilario

- Hindi sinayaw kundi kinanta ni Sarina ang isa sa mga sikat na TikTok trend ngayon

- Umabot na sa mahigit isang milyong views ang naturang video kung saan kasama niya ang kanyang ninang

- Madalas na kagiliwan si Sarina sa mga ibinabahagi nilang videos ng kanyang ama na si Jhong Hilario

Muli na namang naging agaw pansin ang nakakatuwang video ni Sarina Hilario nang awitin niya ang 'Maybe This Time.'

Sarina Hilario, hinangaan sa bersyon niya ng 'Maybe This Time'
Sarina Hilario, hinangaan sa bersyon niya ng 'Maybe This Time' (Sarina Oceanía Azores Hilario)
Source: Facebook

Sa kanyang ibinahaging video kasama umano niya ang kanyang ninang na sa halip na sayawin ang sikat ngayong TikTok trend ay kinanta niya ito.

Ilang araw mula nang ibahagi nila ang naturang video sa Facebook, umabit na agad ito ng mahigit 1 million views.

Narito ilan sa mga komento ng netizens na aminadong naaliw sa performance ni Sarina:

Read also

Kris Lawrence, pinasilip ang masayang birthday celebration nya kasama ang anak na si Katie

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Bata palang very talented na!"
"Very good Sarina. From singing, to dancing, tapos hosting na rin"
"Good job Sarina. You are blessed for being so talented"
"Ang husay na bata. More videos pa po. Nakaka-happy!"
"So cute Baby Sari. You are a singer na talaga!"

Si Sarina Oceanía Azores Hilario ay anak ng It's Showtime host na si Jhong Hilario at partner nitong si Maia Azores. Agaw-pansin ang mga father and daughter videos nina Jhong at Sarina dahil lalo na ang kahanga-hangang pagkanta ni Sarina sa mura niyang edad.

Matatandaang naglabas na ng music video si Sarina sa awitin ni Frank Sinatra ang 'Fly me to the moon.' Bukod sa awiting ito, madalas din niyang kantahin ang "Moon River" at marami pang iba. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging adorable and talented nito.

Read also

Kai ng PBB Gen 11, hinangaan sa ipinakitang reaksyon nang makasama ang tunay na ina

Nang magdiwang ng kanyang 3rd birthday si Sarina, pinili nilang ibahagi ang kanyang mga biyayang natatanggap sa mga batang ulila na nasa pangangalaga ng isang orphanage sa San Juan. Makikita ang saya ni Sarina sa pagbibigay saya rin sa mga batang nakasama niya sa kanyang espesyal na araw. Matatandaang kamakailan, kinagiliwan din ng marami ang video ni Sarina sa meet and greet niya sa paborito niyang grupo, ang BINI.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica