Kris Lawrence, pinasilip ang masayang birthday celebration nya kasama ang anak na si Katie

Kris Lawrence, pinasilip ang masayang birthday celebration nya kasama ang anak na si Katie

- Ibinida ni Kris Lawrence ang bonding moment nila ng kanyang anak na si Katie

- Kasama niya ang anak na nagdiwang ng kanyang kaarawan sa 'The Farm San Benito'

- Nag-thank you si Kris sa anak na nakasama siya nito sa kanyang birthday

- Pinakita din ni Kris ang villa kung saan sila nag-stay na mag-ama na talaga namang nakapamangha sa kanya

Ibinida ni Kris Lawrence ang espesyal na bonding moment nila ng kanyang anak na si Katie sa kanyang kaarawan, na ginanap sa kilalang wellness resort na The Farm San Benito. Sa kanyang social media post, masayang ipinakita ni Kris ang kanilang simpleng ngunit makabuluhang selebrasyon bilang mag-ama.

Kris Lawrence, pinasilip ang masayang birthday celebration nya kasama ang anak na si Katie
Kris Lawrence, pinasilip ang masayang birthday celebration nya kasama ang anak na si Katie
Source: Instagram

Sa mga larawang ibinahagi, makikita ang saya ni Kris habang kasama si Katie. Pinasalamatan din niya ang kanyang anak sa pagiging bahagi ng kanyang espesyal na araw. Aniya, “Just a dad and his little girl, making memories that will last a lifetime. Moments like these are what life is all about. Papa loves you so much, Katielabs.”

Read also

Kai ng PBB Gen 11, hinangaan sa ipinakitang reaksyon nang makasama ang tunay na ina

Ipinakita rin ni Kris ang villa kung saan sila nag-stay, na talaga namang nakapagpamangha sa kanya. Ang matahimik at mala-paraisong ambiance ng The Farm ay nagbigay sa kanila ng pagkakataong mag-relax at mag-enjoy ng quality time.

Sa mga mata ni Kris, ito ang isa sa mga hindi malilimutang kaarawan na puno ng pagmamahal at saya kasama si Katie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Katie ay anak ni Kris sa aktres na si Katrina Halili. Siya ay nakilala sa Starstruck, isang talent search sa GMA-7. Ipinanganak niya si Katrence noong September 2012.

Matatandaang binahagi Katrina ang isang pasilip sa kanyang pinagawang bahay. Siya mismo daw ay naging hands-on sa pamimili ng mga materyales at furnitures sa kanyang bahay sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Namalagi daw sila ni Katie sa bahay ng celebrity manager na si Van Sayosa sa loob ng dalawang buwan habang ginagawa ang kanyang bahay.

Read also

Ry Velasco, trending dahil sa video ng pagbigay niya ng kotse sa amang si Onyok Velasco

Matatandaang naging usap-usapan at palaisipan sa mga netizens ang tunay na relasyon nina John Lloyd Cruz at Katrina. Ito ay matapos ibahagi ni Katrina ang kanilang mga litrato na kasama nila maging ang anak ng aktor sa dating karelasyon na si Ellen Adarna. Sa isang Showbiz News Update episode ni Ogie Diaz, napag-alamang magkaibigan lamang ang dalawa. Ang karelasyon umano ni Katrina ang malapit na kaibigan din ng aktor kaya maging sila ay naging magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate