Raquel Pempengco, nag-post ng throwback performance ng anak

Raquel Pempengco, nag-post ng throwback performance ng anak

- Binahagi ni Raquel Pempengco ang isang lumang video clip na nagpapakita ng pagkanta ni Charice Pempengco

- Kuha ito sa singing contest na 'Little Big Star' kung saan unang nakilala si Charice at naging daan sa kanyang career sa pagkanta sa ABS-CBN

- Ani Raquel, sana raw ay maaalala nito ang pahong iyon kung paano daw siya dinaya

- Nung nakamit naman na daw niya ang tagumpay ay pinabayaan niya na ito

Nagbigay ng matinding pahayag si Raquel Pempengco sa social media matapos niyang ibahagi ang isang throwback video ng anak niyang si Charice Pempengco (kilala na ngayon bilang Jake Zyrus). Sa nasabing post, ipinakita ni Raquel ang isang lumang clip mula sa singing contest na "Little Big Star," kung saan unang nakilala si Charice at nagsimula ang kanyang karera sa industriya ng musika.

Raquel Pempengco, nag-post ng throwback performance ng anak
Raquel Pempengco, nag-post ng throwback performance ng anak (Raquel Relucio Pempengco | Facebook)
Source: Facebook

Sa caption ng post, sinabi ni Raquel na sana'y maalala ni Charice ang mga oras na iyon, kung paano umano siya dinaya. Aniya, matapos makamit ang tagumpay, tila kinalimutan na siya ng kanyang anak.

Read also

Mel Tiangco, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa Baby no. 5 nina Iya at Drew Arellano

"𝗦𝗔𝗡𝗔 𝗺𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗺𝗼 𝗻𝘂𝗻𝗴 𝗼𝗿𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼, 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗸𝗮 𝗱𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮...𝗡𝘂𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗺𝗼 𝗻𝗮 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻 𝗺𝗼..."

Dagdag pa niya, tila hindi raw natutong makuntento ang kanyang anak, ngunit naniniwala siya na may oras pa upang maitama ang mga bagay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo. Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na isa sa tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.

Noong 2021 ay muling nag-viral ang video ni Charice Pempengco na kuha sa isang concert niya kasama si David Foster. Ito ay matapos ibahagi ni Jake Zyrus (Charice) ang kwento sa likod ng performance niyang iyon. Hindi pala naging madali sa kanya ang kanyang pag-perform dahil sa bigat ng kanyang naramdaman. Iyon daw ang unang pagkakataon na pinayagan siya na isuot ang damit na gusto niya.

Read also

Mark Andrew Yulo kay Chloe: "Tinatawagan ko kayo ni Caloy di kayo sumasagot"

Matapos ang kontrobersiyal na pagrereklamo ng ina ni Raquel Pempengco sa programa ni Raffy Tulfo, muli silang nakapag-usap. Ito ay matapos hilingin ng matanda na ihatid siyang muli sa bahay ng kanyang anak na kamakailan ay umani ng pambabatikos. Inihingi ng paumanhin ng ina ni Raquel ang kanyang nagawa sa kanyang anak at hindi nito mapigilang maiyak. Kahit emosyonal ay tinanggap ni Raquel ang ina at hiniling na sana ay huwag nang ulitin ng ina ang kanyang ginawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate