Beauty Gonzalez, nagbalik-tanaw sa unang pagkakataon na nakilala ang asawa

Beauty Gonzalez, nagbalik-tanaw sa unang pagkakataon na nakilala ang asawa

- Nagbahagi si Beauty Gonzales ng mensahe para sa kanilang ika-10 na unang makilala si Norman Crisologo

- Naalala ni Beauty ang kanilang unang pagkikita sa Esquire Ball noong 10 taon na ang nakalipas

- Ayon kay Beauty, hindi binitiwan ni Norman ang kanyang kamay mula noon hanggang ngayon

- Ipinahayag ni Beauty ang walang hanggang pagmamahal nila sa isa't isa

Ginunita ni Beauty Gonzalez ang ikasampung taon mula nang unang makilala ang kanyang asawang si Norman Crisologo. Nagbahagi siya ng mensahe.

Beauty Gonzalez, nagbahagi ng mensahe para sa 10 taon mula nang makilala ang asawa
Beauty Gonzalez, nagbahagi ng mensahe para sa 10 taon mula nang makilala ang asawa
Source: Instagram

Sa kanyang post, binalikan ni Beauty ang kanilang unang pagkikita, na naganap eksaktong sampung taon na ang nakalipas sa Esquire Ball, kung saan muling nagsama ang iconic na bandang Eraserheads. Ani ng aktres, "Exactly 10 years ago today we met for the very first time. The Eraserheads unofficially reunited at the Esquire Ball, Soon as we heard the first chords of ALAPAAP, you grabbed my hands, Ran to the dance floor… And since then have never let go."

Read also

Mark Andrew Yulo, nagkomento sa post ni Caloy: "Dapat mag sorry ka sa nanay mo"

Inilarawan ni Beauty ang kanilang pagmamahalan bilang isang hindi matitinag na pagsasama, kung saan hindi raw kailanman binitiwan ni Norman ang kanyang kamay mula sa unang pagkakataon hanggang ngayon. Dagdag pa niya, "You are still holding my hands at this moment, every minute of every day."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinaabot din ng aktres ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa sa pamamagitan ng mga salitang puno ng damdamin, "10 years is long in anyone’s books but especially glorious for us. Multiplied, heightened and extended to last two lifetimes. We shall never fade. Hanggan sa Dulo ng Mundo, Ikaw pa rin, at Ako."

Marami ang humanga at bumati sa kanilang matagumpay na dekada ng pagmamahalan. Ang kanilang relasyon ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa marami, lalo na sa mga sumusuporta sa kanila mula pa noon.

Read also

Sarah Geronimo, nagpasalamat kay Ralph dahil muling nakilala ang 'Maybe This Time'

Si Beauty Gonzales ay isang Spanish-Filipino actress sa bansa. Una siyang napasabak sa telebisyon nang mapabilang siya sa Pinoy Big Brother Teen edition noong 2008 kung saan hinirang siya bilang 4th Big Placer. Mula noon, pinasok na rin ni Beauty ang showbiz. Mas nakilala si Beauty sa pagganap niya bilang si Romina Andrada-Mondragon sa 'Kadenang Ginto'

Taong 2016 naman nang ipanganak niya ang unica hija nila ni Norman na si Olivia. Sumunod na taon, nagkasal na rin sina Beauty at Norman sa Tagaytay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate