Aljur Abrenica, tinuruang magdrive ng e-bike si Aj Raval

Aljur Abrenica, tinuruang magdrive ng e-bike si Aj Raval

- Binahagi ni AJ Raval ang video ng pagturo sa kanya ng kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica kung paano mag-drive ng e-bike

- Napasigaw si AJ lalo na nang bilisan ni Aljur ang pagmamaneho habang naka-angkas siya

- Kinalaunan ay makikitang mag-isa na rin si AJ na sumasakay sa e-bike

- Tinanong naman siya ni Aljur kung ano ang pangalan ng kanilang bagong e-bike

Naghatid ng kasiyahan at kilig sa mga tagahanga sina Aljur Abrenica at AJ Raval matapos ibahagi ni AJ ang isang video sa kanyang social media kung saan tinuturuan siya ng kanyang nobyo na mag-drive ng e-bike. Sa naturang video, makikitang masayang-masaya ang dalawa habang nagtatawanan at nagbibiruan sa kanilang bonding moment.

Aljur Abrenica, tinuruang magdrive ng e-bike si Aj Raval
Aljur Abrenica, tinuruang magdrive ng e-bike si Aj Raval
Source: Facebook

Makikita sa video na naka-angkas si AJ kay Aljur habang si Aljur ang nagmamaneho. Habang bumibilis ang takbo ng e-bike, hindi napigilan ni AJ ang mapapasigaw sa kaba.

Read also

Mark Andrew Yulo, sinagot ang bumatikos sa pagpost niya ng kanyang pagbibisikleta

Kalaunan, makikitang nasasanay na si AJ sa pagmamaneho, at nag-drive na siya mag-isa sa e-bike. Sa huling bahagi ng video, tinanong ni Aljur si AJ, "Anong pangalan nito?" na agad naman sinagot ni AJ ng "Si Bantay."

Ang sweet moment na ito ay nagpakita ng masayang samahan ng magkasintahan, at mabilis na nag-viral ang video, lalo na sa mga tagasuporta ng dalawa. Sa kabila ng mga natatanggap na samu't-saring reaksiyon sa kanilang relasyon ay pinakita nila na hindi sila apektado.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.

Naitanong kay Kylie Padilla ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur at AJ ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan.

Read also

Ella Cruz sa mga admin ng isang satire page: "Ipakukulong ko kayo"

Diretsahang sinabi ni Kylie Padilla na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate