Pokwang, namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Enteng

Pokwang, namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Enteng

- Pinasilip ni Pokwang ang aniya'y kanyang munting paraan ng pagtulong ngayong marami ang apektado ng bagyo at baha

- Sa kanyang post sa Instagram, makikita ang mga supot ng grocery items na handa na para ipamigay

- Makikita din ang ilang kasama niya na nagre-repack ng bigas para ipamigay din

- Marami naman ang humanga sa ginawang ito ni Pokwang na dati pa ay laging nagpapaabot ng tulong tuwing may kalamidad

Pinasilip ng komedyanteng si Pokwang ang kanyang munting paraan ng pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Enteng, na nagdulot ng malawakang pagbaha at pagkasira ng kabuhayan sa iba't ibang bahagi ng bansa. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Pokwang ang video kung saan makikita ang mga supot ng grocery items na handa nang ipamahagi sa mga apektadong pamilya.

Pokwang, namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Enteng
Pokwang, namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Enteng
Source: Instagram

Makikita rin sa nasabing post ang ilang mga kasama ni Pokwang na abala sa pagre-repack ng mga bigas, na bahagi rin ng kanilang ipapamahaging tulong. Ayon kay Pokwang, ito ang kanyang 'little way' para makatulong.

Read also

John Estrada, itinangging habulin siya ng mga babae: "Hindi talaga"

Marami ang humanga sa kabutihang-loob na ipinakita ni Pokwang. Kilala ang aktres na laging handang tumulong sa mga nangangailangan, lalo na tuwing may kalamidad. Sa kanyang ginawa, muli niyang ipinakita na ang pagiging artista ay hindi lamang sa pagpapatawa o pag-arte, kundi pati na rin sa pag-abot ng tulong sa mga kapwa Pilipino sa oras ng pangangailangan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Pokwang ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa ng 2021 umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate