Euleen Castro, may nakakatawang hirit matapos masira ang sofa kung saan isa sya sa nakaupo

Euleen Castro, may nakakatawang hirit matapos masira ang sofa kung saan isa sya sa nakaupo

- Ang content creator na si Euleen Castro ay pabirong sinisi ang sofa nang ito'y masira habang sila ay guest sa "Showtime Online U" nitong Sabado

- Habang nakaupo si Euleen kasama si Queen Dura sa nasabing show, biglaang bumigay ang kanilang inuupuang sofa

- Nagtawanan silang lahat dahil sa di inaasahang pangyayari at agad tinulungan ang mga naupo sa sofa

- Hirit ng isang netizen, marupok umano ang sofa na sinang-ayunan ni Euleen sa kanyang Facebook post

Isang nakakatuwang insidente ang nangyari sa programang "Showtime Online U" nitong Sabado, August 31, nang masira ang sofa na inuupuan ng content creator na si Euleen Castro. Sa isang post sa kanyang Facebook account, pabirong sinabi ni Euleen, "Kasalanan to ng sofa hindi siya naging strong 😂."

Euleen Castro, may nakakatawang hirit matapos masira ang sofa kung saan isa sya sa nakaupo
Euleen Castro, may nakakatawang hirit matapos masira ang sofa kung saan isa sya sa nakaupo
Source: Facebook

Ang insidente ay naganap habang naka-guest si Euleen kasama si Queen Dura at iba pang influencers sa naturang segment ng "It's Showtime." Habang abala sa pakikipag-usap ang iba pang guests ng programa, bigla na lamang bumigay ang sofa na kanilang inuupuan. Sa kabila ng pagkabigla, nagtawanan silang lahat sa pangyayari at tinulungan agad ang mga kasama nilang naupo sa sofa.

Read also

Joshua, 'di agad nakabitaw sa karakter; tuloy ang hagulhol kahit 'cut' na sabi ni direk

Hindi rin nakaligtas sa biro ang nasabing sofa, na ayon sa isang netizen ay marupok umano. Hirit naman ni Euleen, siya na naman daw ang sisihin sa nasirang sofa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Euleen Castro ay kilala din bilang si Pambansang Yobab. Sumikat siya sa social media dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa at pagiging confident . Dahil sa kanyang kasikatan, naging bahagi na rin siya ng vlogs ng iba't-ibang sikat na personalidad kagaya nina Luis Manzano at Ivana Alawi.

Matatandaang nabahagi ni Ivana Alawi na nakaranas din siya ng pangbu-bully noong nag-aaral siya. Aniya, nabu-bully daw siya dahil hindi siya marunong mag-Tagalog dahil sa ibang bansa siya lumaki. Dahil sa kanyang naranasan ay tumigil daw siya sa kanyang pag-aaral. Ito ang kanyang nakwento nang mag-guest siya sa YouTube channel ni Euleen.

Kinaaliwan ang vlog ni Luis Manzano kung saan nakasama niya ang content creator na si Pambansang Yobab. Punong-puno ng tawanan ang kanilang naging pag-uusap habang kumakain. Marami ang natuwa na makitang kayang-kayang sakyan ni Euleen ang mga hirit ni Luis. Maging si Luis ay tawang-tawa sa mga hirit ni Euleen.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate