Joshua, 'di agad nakabitaw sa karakter; tuloy ang hagulhol kahit 'cut' na sabi ni direk

Joshua, 'di agad nakabitaw sa karakter; tuloy ang hagulhol kahit 'cut' na sabi ni direk

- Tuloy pa rin ang hagulhol ni Joshua Garcia kahit tapos na ang eksena sa kanyang pelikula

- Naging usap-usapan ito online at umani ng papuri si Joshua dahil dedikasyon niya bilang aktor

- Nangangahulugan lamang na talagang pinagbutihan niyang makamit ang karakter

- Kasalukuyan pa ring mapapanood ang pagbabalik tambalan ng JoshLia sa Un happy for you

Tila hindi agad nakabitaw sa kanyang karakter si Joshua Garcia sa shooting ng pelikulang Unhappy For You.

Joshua, 'di agad nakabitaw sa karakter; tuloy ang hagulhol kahit 'cut' na sabi ni direk
Joshua, 'di agad nakabitaw sa karakter; tuloy ang hagulhol kahit 'cut' na sabi ni direk (@garciajoshuae)
Source: Instagram

Sa behind-the-scenes footage na mapapanood ng buto sa ABS-CBN Film Productions Inc. (Star Cinema) YouTube channel, makikita ang dedikasyon ni Joshua sa kanyang karakter na si Juancho, isang batang chef na nahaharap sa sakit ng paghihiwalay nila ni Zy (na ginagampanan naman ni Julia Barretto).

Makikitang inilaan ni Joshua ang bawat patak ng kanyang emosyon sa mahahalagang eksena tulad nito, kasama sina Ketchup Eusebio at beteranong aktor na si Nonie Buencamino.

Read also

Melai, tinodo ang pagiging fan girl: "Nakalimutan ko na may asawa ako ui!"

Kapansin-pansin ang eksenang ito kung saan pagkatapos isigaw ng direktor na si Petersen Vargas ang “Cut!”, hindi pa rin mapigilan ni Joshua ang pag-iyak, na nagpapakita kung gaano siya ka-detalyado at kalalim sa pag-uugnay ang sarili sa natirang karakter at eksena.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng nasabing behind-the-scenes footage:

Si Joshua Garcia ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother. Naging ka-love team at real-life girlfriend niya noon si Julia Barretto.

Ngayong 2024, ginulat nila ang JoshLia fans sa comeback movie nila na Unhappy for you. Nang isapubliko nila ang movie project nilang ito noong Abril 24, nagbiro pa ang host ng media con nila noon na si MJ Felipe at sinabing hindi namamalikmata ang mga manood gayung sina Joshua at Julia talaga ang naroon.

Read also

Ogie Diaz, nagtanong sa abogado sa posibleng kahinatnan ng reklamo ni Gerald Santos

Sa kabila ng kanilang hiwalayan, ilang taon na ang nakalilipas at ngayo'y may kanya-kanya na muling nagpapatibok ng kanilang mga puso, makikitang nanatili ang mabuting samahan at pagkakaibigan ng dalawa dahilan para makagawa muli ng iba't ibang proyekto na sila'y magkasama. Tulad ng 2024 na pelikula nilang ito na hindi lamang nagpabilib sa kanilang mga fans kundi maging sa ibang mga moviegoers na pumuri sa nasabing pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica