Andrea Brillantes, inaming nag-alangan noon na maglabas ng perfume line
- Sa isang TikTok video ay binahagi ni Andrea Brillantes ang kwento sa likod ng paglabas niya ng perfume line sa kabila ng kanyang kondisyon
- Ipinanganak siyang walang pang-amoy o ang tinatawag na 'congenital anosmia'
- Aniya, matapos niyang matuklasan na wala siyang kakayahang makaamoy ay ginusto niyang maging mabango palagi lalo at palagi niyang nakakasalamuha ang mga artistang kagaya niya
- Dahil dito ay nagkaroon siya ng obsesyon sa mga pabango at nagkaroon siya ng collection
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinahagi ng aktres na si Andrea Brillantes ang kanyang kwento sa likod ng paglulunsad ng kanyang sariling perfume line sa kabila ng kanyang natatanging kondisyon, sa isang TikTok video.
Ayon kay Andrea, ipinanganak siya na walang kakayahang makaamoy o tinatawag na 'congenital anosmia,' isang bihirang kondisyon na nagiging sanhi ng permanenteng pagkawala ng pang-amoy. Ayon sa WebMD, ang congenital anosmia ay isang kondisyon kung saan hindi na-develop ang olfactory system ng isang tao, na nagreresulta sa kawalan ng pang-amoy mula pagkabata.
Ikinuwento ng Kapamilya actress na noong natuklasan niya na hindi siya makakaamoy, naging matindi ang kanyang hangarin na maging mabango palagi, lalo na't madalas niyang nakakasalamuha ang mga kapwa niya artista. Dahil dito, nagkaroon siya ng obsesyon sa mga pabango, at nagsimula siyang mag-ipon ng mga ito bilang koleksyon.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Gayunpaman, aminado si Andrea na noong una ay nag-alangan siya na maglabas ng perfume line. Inisip niyang mahirap ipromote ang kanyang produkto dahil alam ng publiko ang kanyang kondisyon. Binalikan din niya ang isang karanasan kung saan umatras ang isang product endorsement matapos malaman ang tungkol sa kanyang congenital anosmia, na nagdulot sa kanya ng pangamba sa pagnenegosyo ng pabango.
Sa kabila nito, nagpatuloy si Andrea at itinuloy ang kanyang pangarap, na ngayon ay naging matagumpay at tinangkilik ng marami sa kanyang mga tagahanga.
Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.
Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.
Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh