Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang 1st day sa public school sa Makati

Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang 1st day sa public school sa Makati

- Kinagiliwan si Sarina Hilario sa kanyang unang araw sa public daycare sa Makati City

- Ipinakita ni Sarina ang kanyang outfit at school bag bago pumasok sa klase

- Aktibong nakilahok si Sarina sa mga gawain tulad ng pagkukulay at pagbabahagi ng baon

- Pinuri ng netizens ang pagiging simple, mabait, at magalang ni Sarina

Agaw-pansin ang tatlong taong gulang na anak nina aktor-dancer Jhong Hilario at Maia Leviste Azores na si Sarina Hilario sa kanyang unang araw ng eskwela sa isang public daycare center sa Makati City. Suot ang kanyang cute na outfit at bitbit ang kanyang school bag, masayang ipinakita ni Sarina ang kanyang school look bago pumasok sa klase.

Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang 1st day sa public school sa Makati
Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang 1st day sa public school sa Makati
Source: Facebook

Pagdating sa eskwela, hindi napigilan ng mga kaklase at teacher na magpa-picture kasama si Sarina, na tila isa nang munting celebrity sa kanilang daycare. Aktibong nakilahok si Sarina sa mga gawain tulad ng pagkukulay at masayang ibinahagi ang kanyang baong pagkain sa mga kaklase.

Read also

Vice Ganda, may mensahe para sa dating Showtime Online U host na si Ana Ramsey

Lubos na ikinatuwa ng netizens ang kasimplihan ni Sarina, at pinuri ang kanyang pagiging mabait at magalang. Marami ang humanga sa kanya at sa pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang, na sinasabing kahit bata pa si Sarina ay marunong na itong makibagay at makisalamuha sa kapwa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kasalukuyan, si Sarina ay may higit sa 2.4 milyong followers sa Facebook at 1 milyong followers sa TikTok. Ang kanyang ama na si Jhong Hilario ay kasalukuyang nagsisilbing konsehal ng unang distrito ng Makati City.

Narito ang ilang komento ng netizens:

"Nakakatuwa yung parents ni Sarina, they just let Sarina be herself. Marunong makibagay. Tinuturuan makisalamuha… Si Sarina pa lang nakikita kong anak ng artista/politician na comfy at bibo sa mga tao. May estado man o wala… keep it up. Wag lang sana abusihin ng mga ordinaryong tao💖 salute."

Read also

Angelica Yulo, naging maingat sa sagot sa tanong na may kaugnayan sa anak

"Baby Sarina is a shining example of humility and kindness, even at the tender age of 3. She has a remarkable ability to connect and get along with other children her age, showing a level of emotional intelligence and social skills beyond her years. Her friendly demeanor and gentle nature make her a joy to be around, and she's a wonderful role model for others."
"Wow! love the humility of Sari's parents to be in a humble school even if they can afford more for their lovely child. God bless your family."

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta.

Read also

Angelica Poquiz Yulo, nakatanggap ng suporta mula sa netizens sa kanyang negosyo

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate