Claudine Barretto, magsasalita sa isyu ng pera ng fans nya na diumano’y naloko

Claudine Barretto, magsasalita sa isyu ng pera ng fans nya na diumano’y naloko

- Si Claudine Barretto ay magsasalita tungkol sa isyu ng diumano'y nalokong pera ng kanyang mga fans

- Ibinunyag niya na naglabas ng pera ang kanyang mga tagahanga sa Cebu para mapasama siya sa isang proyekto

- Hindi pa niya pinapangalanan ang taong responsable ngunit nilinaw niyang hindi niya ito palalampasin

- Ipinaalam ni Claudine na ipinagpaliban niya ang kanyang live session dahil sa masamang pakiramdam

Nakatakdang magbigay ng pahayag si Claudine Barretto para linawin ang isyu ng diumano’y nalokong pera ng kanyang mga fans. Sa kanyang Instagram post noong Martes, inihayag ni Claudine na magkakaroon siya ng live session upang ilahad ang buong pangyayari.

Claudine Barretto, magsasalita sa isyu ng pera ng fans nya na diumano’y naloko
Claudine Barretto, magsasalita sa isyu ng pera ng fans nya na diumano’y naloko
Source: Instagram

Ibinahagi ng aktres na naglabas ng pera ang kanyang mga fans sa Cebu para mapasama siya sa isang proyekto, ngunit ngayon ay hindi malinaw kung maibabalik pa ang perang iyon.

Ayon kay Claudine, hindi pa niya pinapangalanan ang taong responsable, ngunit hindi niya ito palalampasin. Aniya, ipaglalaban niya ang kanyang mga fans na buong puso siyang sinuportahan.

Read also

Video kung saan makikita ang reaksiyon ni Carlos Yulo nang makita ang kanyang ama, viral

Samantala, ipinagpaliban ni Claudine ang kanyang live session noong Martes ng gabi dahil sa masamang pakiramdam.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Good evening, Palanggas! I am sorry po, I will have to postpone my live tonight because I have a high fever and I don’t look good at the moment," ani Claudine, na nangakong ipapaalam sa kanyang mga tagahanga kung kailan siya muling magla-live.

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuporta ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Read also

Heart Evangelista, pinagtanggol si Chiz Escudero sa PH Holiday Issue

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate