Heart Evangelista, pinagtanggol si Chiz Escudero sa PH Holiday Issue

Heart Evangelista, pinagtanggol si Chiz Escudero sa PH Holiday Issue

- Sa isang video ay sinagot ni Heart Evangelista ang komento kaugnay sa PH Holiday Issue

- Aniya, hindi babawasan ang holiday kundi hindi lang dadagdagan

- Dagdag pa ni Heart, may mga na-fake news na naman na sobrang active sa social media

- Nilinaw naman ni Sen. Escudero sa isang panayam na hindi babawasan ang holiday t wala daw siyang sinabi na ganun

Naging usap-usapan kamakailan ang isyu tungkol sa Philippine holidays, kung saan napabalitang babawasan ang bilang ng mga holidays sa bansa. Isa sa mga personalidad na nagsalita hinggil dito ay si Heart Evangelista, na kilalang aktres at asawa ni Senador Chiz Escudero. Sa isang video na ibinahagi niya sa social media, diretsahan niyang sinagot ang mga komento at agam-agam ng publiko.

Heart Evangelista, pinagtanggol si Chiz Escudero sa PH Holiday Issue
Heart Evangelista, pinagtanggol si Chiz Escudero sa PH Holiday Issue
Source: UGC

Ayon kay Heart, walang katotohanan na babawasan ang mga holidays sa Pilipinas. Nilinaw niya na hindi naman babawasan ang mga ito, kundi hindi lang talaga dadagdagan. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin niya na na fake news ito.

Read also

Jessy Mendiola, sinupalpal ang basher na nagkomento tungkol sa eyebags ni Rosie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabilang banda, si Senador Chiz Escudero ay nagbigay din ng paglilinaw sa isang panayam. Ayon sa kanya, wala siyang sinabing babawasan ang mga holidays, at walang basehan ang mga kumakalat na impormasyon. Ipinaliwanag niya na ang konseptong kanyang binanggit ay ang tinatawag na "holiday economics," isang polisiya na ginagamit upang i-maximize ang mga long weekends. Ang layunin ng holiday economics ay kapag natapat ang isang holiday sa pagitan ng dalawang araw ng trabaho, idedeklara bilang holiday ang isa pang araw upang magkaroon ng mas mahabang pahinga ang mga manggagawa.

Dagdag pa ni Senador Escudero, ang kabuuang bilang ng mga holidays sa bansa ay halos umabot na sa isang buwan kung pagsasama-samahin, kaya't hindi na kinakailangang dagdagan pa. Sa halip, binigyang-diin niya na mas mahirap na usapin ang magbawas ng holidays dahil ito'y maaaring magdulot ng debate.

Read also

DJ Chaha, nagkomento sa posibilidad na pagsasama sa isang araw ng ilang public holiday

Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate