Andrew Schimmer, masayang ibinahagi ang pagbubuntis ng kanyang partner

Andrew Schimmer, masayang ibinahagi ang pagbubuntis ng kanyang partner

- Masayang ibinahagi ni Andrew Schimmer ang balitang magkaka-baby na sila ng partner niyang si Dimpz Schimmer

- Sa kanyang post sa Facebook, binahagi ni Andrew ang picture ng pregnancy test na mayroong dalawang guhit na nangangahulugang positive

- Inihayag ni Andrew ang kanyang kaligayahan sa biyayang natanggap nila

- Sa kanyang caption sa post ay nagpasalamat siya sa Panginoon

Masayang ibinahagi ni Andrew Schimmer sa social media ang magandang balita na magkaka-baby na sila ng kanyang partner na si Dimpz Schimmer.

Andrew Schimmer, masayang ibinahagi ang pagbubuntis ng kanyang partner
Andrew Schimmer, masayang ibinahagi ang pagbubuntis ng kanyang partner
Source: Facebook

Sa kanyang post sa Facebook, ipinakita ni Andrew ang larawan ng pregnancy test na may dalawang guhit, na nangangahulugang positibo ang resulta.

Sa kanyang pagbabahagi, inihayag ni Andrew ang labis na kaligayahan na dulot ng biyayang natanggap nila.

Sa caption ng kanyang post, nagpasalamat si Andrew sa Panginoon para sa hindi inaasahang biyaya. Sinabi niya, "my God, totoo nato😭🙏🏻🙏🏻🙏🏻 thank you lord😭🙏🏻🙏🏻🙏🏻 grabeng blessing po nito, we're all superrrr happy! woohooo!🥳🥳🥳🥳 bebe boy lezzgaw!" Malaki ang saya ni Andrew sa balita, at napakamasaya nila sa kanilang bagong yugto bilang magulang.

Read also

Peraphy contestant na si Angelito, may paglilinaw tungkol sa kanyang post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumuhos naman ang mga pagbati para sa kanila. Matatandaang pagkatapos ang pagpanaw ng unang asawa ni Andrew ay sinubaybayan ng publiko ang buhay ng naulilang mag-aama na sina Andrew, Andrea at Xander.

Kinalaunan ay pinakilala ni Andrew ang babaeng muling nagpaibig sa kanya. Marami ang natuwa sa kanilang blended family dahil sa kasiyahan ng kanilang mga anak.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Inabot ng isang taon ang pakikipaglaban ni Jho sa karamdaman niyang ito subalit namaalam na rin bago matapos ang taong 2022.

Ibinahagi ni Andrew Schimmer ang picture niya kasama ang kanyang mga anak kasama ang girlfriend niya at mga anak din nito. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na magkakasama sila ngayong Pasko.

Read also

Paul Jake, binanggit ang naging issue umano ni Kaye Abad: "Daniel Padilla 'di ba?"

Inalmahan ni Andrew Schimmer ang post ng isang netizen na tinanong pa ni Andrew kung manghuhula ba talaga o script writer. Sa binahaging screenshot ng girlfriend ni Andrew ay sinasabi nito na pinagselosan na daw ng namayapang asawa ni Andrew ang kasalukuyang girlfriend nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate