LJ Reyes, naka-follow kay Kim Chiu kasunod ng pagbisita ni Paulo Avelino kay Aki kamakailan
- Usap-usapan sa social media ang pag-follow ni LJ Reyes sa Instagram page ni Kim Chiu
- Maraming netizens ang kinikilig at tuwang-tuwa dahil tila sinusuportahan ni LJ ang tambalang KimPau
- Matagal nang hiwalay si LJ kay Paulo Avelino ngunit nananatili silang magkaibigan
- Nag-umpisa ang tambalang KimPau sa TV series na “Linlang” at lalo pang pinalakas sa Philippine adaptation ng “What’s Wrong with Secretary Kim”
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Usap-usapan ngayon sa social media, lalo na sa X (dating Twitter), ang naging aksyon ni LJ Reyes na mag-follow sa Instagram page ni Kim Chiu. Marami sa mga netizens ang tuwang-tuwa at kinikilig, dahil tila ipinapakita ni LJ ang kanyang pagsuporta sa tambalang KimPau, na shini-ship ng fans sa batikang aktor na si Paulo Avelino.
Bagamat matagal nang hiwalay si LJ kay Paulo, nananatili silang magkaibigan, lalo na’t mayroon silang anak na si Aki. Kasal na ngayon si LJ sa kanyang non-showbiz husband na si Philip Evangelista, ngunit hindi nito napigilan ang mga netizens na mag-react sa tila "aprub" ni LJ kay Kim.
Nag-umpisa ang tambalang KimPau sa TV series na “Linlang,” na sinundan pa ng Philippine adaptation ng “What’s Wrong with Secretary Kim?” na lalong nagpapatibay sa kanilang tambalan sa mata ng publiko. Bagamat ilang beses nang spotted na magkasama si Kim at Paulo, hindi pa rin nila kinukumpirma ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Iba’t ibang reaksyon ang bumuhos mula sa mga netizens, na masayang-masaya sa naging aksyon ni LJ. May mga nagsabing sweet na gesture ito mula kay LJ, habang ang iba naman ay nag-aabang sa posibilidad na mag-follow back si Kim kay LJ. Sa kabila ng lahat, ang simpleng aksyon ni LJ ay nagdulot ng malaking kilig sa mga fans ng tambalang KimPau.
Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.
Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."
Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.
Source: KAMI.com.gh