Brenda Mage, nagluluksa sa pagpanaw ni Didong Dumadag aka Miss D

Brenda Mage, nagluluksa sa pagpanaw ni Didong Dumadag aka Miss D

- Nagluluksa si Brenda Mage sa biglaang pagpanaw ng stand up comedian na si Didong Dumadag

- Ibinahagi ni Brenda sa social media ang kanyang matinding kalungkutan at mga alaala nila ni Didong

- Isinugod sa ospital si Didong matapos ma-stroke ayon sa mga post ng kanilang mga kaibigan

- Patuloy ang pagdaloy ng mga mensahe ng pakikiramay at suporta mula sa mga kaibigan at kapwa artista

Matinding lungkot ang nararamdaman ngayon ng komedyanteng si Brenda Mage matapos ang biglaang pagpanaw ng stand up comedian na si Didong Dumadag, na mas kilala bilang Miss D. Sa kanyang social media, ibinahagi ni Brenda ang kanyang hinagpis at pagdadalamhati, kasabay ng mga alaala nila ni Didong.

Brenda Mage, nagluluksa sa pagpanaw ni Didong Dumadag aka Miss D
Brenda Mage, nagluluksa sa pagpanaw ni Didong Dumadag aka Miss D
Source: Facebook

Ibinahagi ni Brenda ang kanyang mga saloobin sa social media, kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagkalungkot sa pagkawala ni Didong. Ayon kay Brenda, kausap pa lamang niya si Didong at inalok pa niya ito ng ticket para dumalo sa kasal ng kanyang kapatid.

Read also

Reaksiyon ni Marian Rivera nang tawagin ni Dingdong Dantes sa kanyang first name, kinaaliwan

Nagplano rin umano si Didong na magbakasyon sa farm ni Brenda. Ipinahayag din ni Brenda na laging may pasalubong na pancit si Didong mula sa trabaho at madalas magluto ng mga paborito niyang ulam.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dagdag pa ni Brenda, si Didong ay handang magpahiram ng mga costume para sa kanyang Europe tour at minsan pa nilang napag-usapan ang kanilang plano na makapunta sa Amerika.

Ipinahayag ni Brenda na mami-miss niya ang kanyang "Barang Sister" at tinukoy si Didong bilang kanyang kambal dahil sa kanilang pagkakahawig. Sa kabila ng lahat, inamin ni Brenda na paborito niya ang pancit at dinuguan na inihahanda ni Didong para sa kanya.

Ayon pa sa mga post ng iba pang kaibigan, isinugod si Didong sa ospital matapos itong ma-stroke. Bago ang insidente, nakapagbahagi pa si Didong ng ilang larawan mula sa kanilang taping sa Family Feud.

Read also

Peraphy contestant na si Angelito, naglabas ng sama ng loob sa mga aniya'y taong walang respeto

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Matatandaang isinapubliko ni Brenda ang tungkol sa paghihiwalay nila ng boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa kanyang video na binahagi ay makikitang hawak niya ang isang teddy bear na niregalo sa kanya sa kanilang anniversary.

Nag-post si Brenda tungkol sa mga negative comments sa kanya kasunod ng breakup nila ni Gio Sta. Ana. Binahagi niya ang kanyang mensahe kalakip ang kanyang picture na nagpapakita na hindi siya apektado sa mga negatibong komento

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: