Mon Confiado, umalma sa content creator na nagpost tungkol sa kanya

Mon Confiado, umalma sa content creator na nagpost tungkol sa kanya

- Umalma si Mon Confiado sa isang content creator na nag-post ng pekeng kwento tungkol sa kanya gamit ang kanyang pangalan at larawan

- Sinabi ni Confiado na pinapakalat ng content creator ang kwento na nagkita sila sa grocery at umano'y nagalit siya at hindi nagbayad ng mga binili

- Nagbanta ang aktor na idedemanda ang content creator dahil sa maling impormasyon at hindi pagtanggal ng post

- Ipinahayag ni Confiado ang kanyang pagkadismaya sa paggamit ng kanyang imahe para lamang makakuha ng likes sa social media

Hindi napigilan ni Mon Confiado na ipahayag ang kanyang pagkadismaya sa isang content creator matapos gamitin ang kanyang larawan at pangalan sa isang pekeng senaryo. Sa isang post na ibinahagi ni Confiado, ipinakita niya ang galit sa ginawang kwento ng isang content creator na nagngangalang Ileiad.

Mon Confiado, umalma sa content creator na nagpost tungkol sa kanya
Mon Confiado, umalma sa content creator na nagpost tungkol sa kanya
Source: Facebook

Ayon kay Confiado, ipinakalat ni Ileiad ang kwento na nagkita sila sa isang grocery, kung saan umano'y nagalit si Confiado nang humiling ng larawan ang content creator. Dagdag pa nito, nagpakalat si Ileiad ng balitang hindi umano binayaran ni Confiado ang mga Milky Way Choco Bars na kinuha niya, at nagsisigaw pa raw ito sa cashier.

Read also

Peraphy contestant na si Angelito, naglabas ng sama ng loob sa mga aniya'y taong walang respeto

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi natuwa si Confiado sa ginawa ng content creator, lalo na't inilagay pa nito sa alanganin ang kanyang pangalan at imahe. "Joke at my expense? Joke pero nakakasira ng tao?" ani Confiado. "Bakit ka magjo-joke sa akin? Close ba tayo? Parang sobra na itong mga ito ah at para makakuha lang ng mga likes kahit makasagasa sila ng tao."

Tinanggal na ni Ileiad ang nasabing post, na nagdulot pa ng mas maraming usapin at tanong mula sa mga tagasubaybay ng aktor. Nagbanta si Confiado na idedemanda ang content creator dahil sa post at sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

"Nung sinabi ko idedemanda ko siya, mayabang pa itong Ileiad na ito... Threat daw ba ito?" dagdag pa ni Confiado, na tila punong-puno na ng galit at pagkadismaya.

Sa ngayon, inaabangan ng publiko ang magiging hakbang ni Confiado laban sa content creator, at kung paano matatapos ang usaping ito.

Read also

Angelica Yulo, sumama ang loob: "Andu'n 'yung pain e"

Si Mon Confiado ay anak ng batikang aktor na si Ángel Confiado. Dahil sa kanyang husay sa pag-arte, tumanggap siya ng mga parangal mula sa mga awards giving bodies.

Matatandaang marami din ang namangha sa ibinahagi ni Mon na transformation para sa kanyang mga ginampanang papel sa pelikula.

Matatandaang na-expose din siya sa isang malubhang sakit habang nasa shooting ng isang pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate