Julia Barretto, nag-aalala pero proud kay Gerald Anderson sa pagtulong nito noong bagyo

Julia Barretto, nag-aalala pero proud kay Gerald Anderson sa pagtulong nito noong bagyo

- Nag-aalala si Julia Barretto ngunit proud sa pagtulong ni Gerald Anderson sa panahon ng bagyong Carina

- Tumulong si Anderson sa paglilikas ng isang pamilya na na-stranded sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City

- Sinabi ni Barretto na ang ginawa ni Anderson ay nagpapakita ng kabutihan ng kanyang puso

- Higit tatlong taon nang magkasintahan sina Anderson at Barretto at sa mga naunang panayam ay aminado si Gerald na nakikita nya si Julia bilang babaeng kanyang pakakasalan

Matapos mag-viral ang ginawa ni Gerald Anderson na pagtulong sa panahon ng bagyong Carina, ibinahagi ni Julia Barretto na siya ay labis na proud sa ginawang kabutihan ng kanyang nobyo, ngunit inamin din niyang nag-aalala siya para dito habang nasa labas ito.

Julia Barretto, nag-aalala pero proud kay Gerald Anderson sa pagtulong nito noong bagyo
Julia Barretto, nag-aalala pero proud kay Gerald Anderson sa pagtulong nito noong bagyo
Source: Instagram

“It’s a proud moment, of course, but I was really worried. But by nature, that’s who he is. I just hope he will be safe doing that for others. It’s a proud moment, but ang hirap grabe ‘yung worries ko,” pahayag ni Julia kay MJ Marfori.

Read also

Angelica Yulo, sumama ang loob: "Andu'n 'yung pain e"

Sinabi ni Barretto na ang kagustuhan ni Gerald na lumangoy sa baha at tulungan ang isang stranded na pamilya na lumikas ay nagpapakita ng kabutihan ng aktor. “Whatever you see, that’s the heart he has,” dagdag pa ni Julia.

Noong nakaraang buwan, tumulong si Anderson sa pagsagip ng isang pamilya kasama ang isang bata na na-stranded sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City dahil sa baha na dulot ng bagyong Carina. Hindi ito ang unang pagkakataon na sumali ang Kapamilya actor sa mga rescue efforts.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaan na noong Setyembre 2009, lumahok din si Anderson sa pagsagip ng mga biktima ng bagyong Ondoy. Ang kanyang kapitbahay na si Dr. Divine Rosales-Murao ay nagbahagi ng mga larawan ng aktor habang lumalangoy ito sa baha sa kanilang subdivision, Vista Real Classica, sa Quezon City upang kamustahin ang kanyang mga kapitbahay.

Read also

Carlos Yulo, dinipensahan ang GF: "Si Chloe po may sarili siyang income"

Si Julia Barretto ay isang aktres na nagmula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz dahil sa husay nila sa pag-arte. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Kamakailan ay si Julia ang naging guest ni Yassi Pressman sa kanyang YouTube segment na #CAReokeWithYassi. Bukod sa kanilang pag-uusap at karaoke habang nasa biyahe, tinuruan din ni Yassi si Julia ng dance steps ng "Tala".

Kinakiligan sina Julia at Gerald Anderson sa isang video na binahagi ni Gerald sa kanyang YouTube channel. Sumama si Julia sa 3 on 3 basketball game ng boyfriend niyang si Gerald para suportahan ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate