Vin Abrenica, ninakawan ng halik ng lalaking fan habang kumakanta

Vin Abrenica, ninakawan ng halik ng lalaking fan habang kumakanta

- Si Vin Abrenica ay ninakawan ng halik ng isang lalaking fan habang kumakanta sa gitna ng maraming tao

- Viral ang video ng insidente at makikita ang pagkagulat ni Vin sa ginawa ng fan

- Magiliw na pinagbibigyan ni Vin ang mga gustong magpa-picture habang nagpe-perform siya

- Wala pang opisyal na pahayag si Vin kaugnay sa insidente ngunit marami ang nag-abang sa kanyang reaksyon

Viral at usap-usapan ngayon ang isang video kung saan makikita ang aktor na si Vin Abrenica, kapatid ni Aljur Abrenica, habang nagpe-perform at kumakanta sa gitna ng maraming tao. Sa gitna ng kanyang performance, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap na ikinagulat ng marami, lalo na ni Vin mismo.

Vin Abrenica, ninakawan ng halik ng lalaking fan habang kumakanta
Vin Abrenica, ninakawan ng halik ng lalaking fan habang kumakanta
Source: Instagram

Habang abala si Vin sa kanyang pag-awit, isang lalaking fan na nasa harapan niya ang biglang sumunggab at nagnakaw ng isang halik. Kitang-kita sa video ang pagkabigla ni Vin sa nangyari. Sa kabila ng insidenteng ito, pinilit ni Vin na ituloy ang kanyang performance kahit halatang nagulat at hindi makapaniwala sa pangyayari.

Read also

ToRo Family, nagbahagi ng video kung saan tinikman nila ang gatas ni Papi Galang

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kilala si Vin sa pagiging magiliw sa kanyang mga tagahanga. Madalas siyang magpaunlak ng mga photo op at magbigay ng oras sa mga gustong magpapicture habang nagpe-perform siya. Kaya naman, hindi na kataka-taka na maging bukas ang loob niya sa kanyang mga fans. Subalit, ang ginawang paghalik ng lalaki ay tila sumobra at hindi inaasahan ni Vin.

Agad namang umani ng maraming komento at reaksyon ang naturang video mula sa mga netizens. Marami ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Vin, habang ang iba naman ay nagsabing dapat mag-ingat ang mga fans sa kanilang kilos at respetuhin ang personal na espasyo ng mga artista.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag si Vin kaugnay sa insidente. Ngunit dahil sa pag-viral ng video, marami ang nag-aabang sa magiging reaksyon at tugon ng aktor. Ang video ay mabilis na kumalat sa iba't ibang social media platforms at patuloy na pinag-uusapan online.

Read also

Ivana Alawi, nagsalita tungkol sa espikulasyon sa pag-exit niya sa Batang Quiapo

Si Vin Abrenica ay aktor na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang Kapamilya series kagaya ng Wild Flower at A Soldier's Heart. Siya ang nakababatang kapatid ng aktor na si Aljur Abrenica.

Magiliw na nagkwento si Vin ng kanilang mga eksena ni Kylie Padilla. Ang kapatid ni Aljur Abrenica at si Kylie ay naging kabilang sa mga cast ng GMA series na "Mga Lihim Ni Urduja" . Sa isang panayam kay Nelson Canlas, sinabi ni Vin na natatawa siya sa mga reaksyon tungkol sa kanilang mga eksenang away ni Kylie.

Sina Vin at Sophie Albert ay nagbahagi ng magandang balita tungkol sa kanilang pamilya. Sa Instagram, inanunsyo ni Sophie na siya ay kasalukuyang buntis sa kanilang pangalawang anak ng aktor. Ibinahagi rin ng aktres at celebrity mom ang ilang magagandang larawan ng kanilang pamilya. Sa mga naturang larawan, makikita si Sophie na ipinagmamalaki ang kanyang baby bump.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate