Celia Rodriguez, hanga sa kabutihan ni Coco Martin: "the industry needs you"

Celia Rodriguez, hanga sa kabutihan ni Coco Martin: "the industry needs you"

- Hindi mapagkaila ni Celia Rodriguez ang labis na paghanga niya sa kabutihan ng aktor na si Coco Martin

- Kahanga-hanga ang pagtulong ng Batang Quiapo actor kahit hindi niya ito personal na kilala

- Marami na rin umanong narinig at nalaman si Celia na natulungan ni Coco

- Wala raw siyang ibang nasabi sa aktor kundi alagaan ang sarili gayung kailangan pa siya ng industriya

Tahasang nasabi ng respetado at beteranang aktres na si Celia Rodriguez ang pagkabilib niya sa direktor at aktor ng Batang Quiapo na si Coco Martin.

Celia Rodriguez, hanga sa kabutihan ni Coco Martin
Celia Rodriguez, hanga sa kabutihan ni Coco Martin
Source: Youtube

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, idinetalye ni Celia ang hindi inaasahang pag-aabot ng tulong ni Coco para sa kanyang kaibigan kahit hindi niya ito personal na kilala.

"When I needed help [from Coco Martin] for a friend, her husband is dying, tinawagan ko si Coco"

Read also

Arci Muñoz, napagtripan si Manny Paquiao; ginamitan ng filter ng Pambansang Kamao

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ask her to give me the account number sa bangko, padalhan ko ng pera,' and he did"

"He doesn't know me in person, I've never met him in person. Pero the way he talks on the phone, 'Anong maitutulong ko sa'yo, Tita? May problema ba?' Bilib ako sa batang 'yun," ani Celia.

Ang maganda pa raw kay Coco, talagang marami na itong natulungan.

"Doon ako bilib sa tao. He is a young boy and he knows how to share. Kasi alam mo life is sharing. Que multimillionaire ka 'pag hindi ka tumulong sa kapwa, basura ka sa akin. And this Coco is a young boy and I've heard so many stories about Coco helping other people," giit ni Celia.

Kaya naman hiling ni Celia na pamarisan ng marami si Coco lalong-lalo na ang pagiging mapagbigay nito.

Read also

20-anyos na composer ng 'Pantropiko,' nagdetalye ukol sa sikat na awit ng BINI

"Kaya sabi ko sa kanya sa sulat ko sa text ko sa kanya, just take care of yourself. The industry needs you' Sana tularan niyo si Coco Martin, bihira ang ganoon," aniya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube:

Ang teleseryeng FPJ's Batang Quiapo ay pinagbibidahan ng tinaguriang "Teleserye King" na si Coco Martin. Siya ay may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang programa, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.

Matatandaang minsang nag-viral ang makulit na TikTok video nina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral. Ito ay dahil taliwas ang kanilang ginawa sa karakter nila bilang sina Lena at Maritess.

Read also

Elvis Gutierrez, binahagi ang picture nila ng yumaong asawa

Bukod kina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral, ilan din sa mga kasama nina Coco sa naturang serye ay sina Ivana Alawi, Jaime Fabregas, Charo Santos at maging ang internet star na si Diwata.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica