Ruru Madrid, nagsalita kaugnay sa nag-viral na eksena sa programang 'Unang Hirit'

Ruru Madrid, nagsalita kaugnay sa nag-viral na eksena sa programang 'Unang Hirit'

- Nag-viral ang video kung saan napahiya si Ruru Madrid sa isang die-hard fan ni Coco Martin

- Sa programang “Unang Hirit”, sinabi ng isang senior citizen na si Coco Martin lang ang kanyang hinahangaan

- Natawa na lamang sina Ruru at Jon Lucas sa reaksyon ng fan

- Sinabi ni Ruru na hinahangaan din niya si Coco Martin at alam iyon ng aktor

Nag-viral kamakailan ang isang video mula sa programang "Unang Hirit" kung saan napanood ang reaksyon ni Ruru Madrid matapos siyang mapahiya sa harap ng isang die-hard fan ni Coco Martin. Sa video, kasama ni Ruru ang kanyang “Black Rider” co-star na si Jon Lucas habang nagbibigay sila ng TV sa isang senior citizen.

Ruru Madrid, nagsalita kaugnay sa nag-viral na eksena sa programang 'Unang Hirit'
Ruru Madrid, nagsalita kaugnay sa nag-viral na eksena sa programang 'Unang Hirit'
Source: Instagram

Ayon kay Jon Lucas, tinanong niya ang matandang lalaki kung palagi itong nanonood ng “Black Rider” at excited na sinabi na makakapanood na ito ng kanilang palabas. Walang pag-aalinlangan namang sumagot ang senior citizen at sinabing mula pa noon, si Coco Martin lamang ang kanyang hinahangaan. Sinabi nito, "Mula pa noon… ang napapanood ko, ang hinahangaan ko, si Coco Martin."

Read also

Arci Muñoz, napagtripan si Manny Paquiao; ginamitan ng filter ng Pambansang Kamao

Natawa na lang sina Ruru at Jon sa naging pahayag ng matanda. Si Coco Martin ay ang bida sa katapat na serye ng “Black Rider," ang “Batang Quiapo,” kaya’t nagdulot ng reaksiyon mula sa mga manonood ang naturang tagpo.

Sa kanyang reaksyon, sinabi ni Ruru na malaki rin ang kanyang paghanga kay Coco Martin. Ipinahayag niya na maraming tao, kabilang siya, ang humahanga at iniidolo si Coco. Sinabi pa ni Ruru na alam ito ni Coco Martin, at pabiro niyang sinabi, "Hehe Labyu Tay!" upang magpakita ng respeto at pagpapahalaga sa damdamin ng fan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Coco Martin ay unang sumikat sa paggawa ng mga indie films. Siya ang bumida bilang si Cardo Dalisay sa defunct Kapamilya primetime show na FPJ's Ang Probinsiyano. Bukod sa pag-arte, isa na rin siya sa direktor ng nasabing teleserye na malapit nang umabot sa ikalimang taon nito simula nang una itong inere noong September 28, 2015.

Read also

20-anyos na composer ng 'Pantropiko,' nagdetalye ukol sa sikat na awit ng BINI

Matatandaang ang bida ng "FPJ's Batang Quiapo" na si Coco Martin ay nagbahagi ng isang litrato mula sa kanilang biyahe sa social media kasama si Julia Montes.

Nagbigay naman komento si Coco sa social media personality at businessman na si Diwata. Naikwento rin niya kung paano niya ito nakumbinsi na maging bahagi ng FPJ Batang Quiapo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate