Jhong Hilario, nag-file ng petition for recognition of foreign divorce

Jhong Hilario, nag-file ng petition for recognition of foreign divorce

- Ang court petition ni Jhong Hilario para sa legal na pagkilala ng kanyang diborsyo sa ibang bansa ay ibinahagi ni Victor Agustin sa Facebook ngayong Hulyo 26, 2024

- Nakasaad sa petisyon na ini-file ni Hilario sa Regional Trial Court ng Makati City na nais niyang kilalanin ang diborsyo mula sa kanyang British ex-wife na si Michelle Westgate

- Dahil hindi pa kinikilala ang diborsyo sa Pilipinas, sa England sila nag-file ng diborsyo kahit dito sila ikinasal

- Ang hakbang na ito ay magpapahintulot kay Hilario na mapawalang-bisa ang kasal sa local court at magpakasal muli

Ibinahagi ng The Philippine Star columnist na si Victor Agustin sa kanyang Money-Go-Round by Victor C. Agustin Facebook page ngayong Biyernes ng hapon, Hulyo 26, 2024 ang picture ng court petition ni Jhong Hilario.

Jhong Hilario, nag-file ng petition for recognition of foreign divorce
Jhong Hilario, nag-file ng petition for recognition of foreign divorce
Source: Instagram

Ayon post, "Actor-councillor Jhong Hilario (finally) seeking legal recognition of his foreign divorce."

Read also

Jude Bacalso, nagpaliwanag tungkol sa viral video nila ng waiter

Nakasaad sa petisyon na ini-file ni Hilario sa Regional Trial Court ng Makati City, Branch 145 ang docket number ay "R-MKT-23-03186-SP" at nakasaad dito na ang kaso ay para sa "Recognition and Confirmation of Foreign Divorce Decree." https://www.facebook.com/photo/?fbid=1012759390855453&set=a.361536549311077

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang ibig sabihin nito, naigawad na kay Hilario ang diborsyo niya sa kanyang British ex-wife na si Michelle Westgate. Dahil hindi pa kinikilala ang diborsyo sa Pilipinas, sa England sila nag-file ng diborsyo kahit dito sa Pilipinas sila ikinasal. Sa pamamagitan ng hakbang na ito, pwede nang mapawalang-bisa sa local court ang kasal ni Hilario kay Westgate upang maaari na siyang magpakasal muli.

Ayon sa kolumnistang si Aster Amoyo sa kanyang Philippine Star Column noong November 30, 2020, nakilala ni Jhong si Westgate sa London habang ginagawa niya ang Miss Saigon musical play sa West End noong 2001, kung saan bahagi siya ng cast ensemble. Ikinasal sila noong Oktubre 2005 ngunit nagkahiwalay noong Hunyo 2011. Hindi sila nagkaroon ng anak ng dating mag-asawa.

Read also

Video kung saan tinawag na 'sir' si Vice Ganda, umani ng komento

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta.

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate