Nadine Samonte, sa nangyari sa kanya sa GMA gala: "I feel so kawawa"

Nadine Samonte, sa nangyari sa kanya sa GMA gala: "I feel so kawawa"

- Naglabas ng saloobin si Nadine Samonte patungkol sa sinapit niya sa GMA gala kamakailan

- Nawalan umano siya ng assigned table kahit imbitado naman siya dahilan para magsolo siya sa isang lamesa

- Wala siyang naging ibang kasama roon at aminadong nakaramdaman ng pagiging isang kawawa

- Aniya, halos isang taon niyang pinaghandaan ang pagdalo sa nasabing pagtitipon

Nahingan ni Ogie Diaz ang Kapuso actress na si Nadine Samonte ng pahayag ukol sa sinapit nito sa GMA gala na ginanap noong July 20.

Nadine Samonte, sa nangyari sa kanya sa GMA gala: "I feel so kawawa"
Nadine Samonte, sa nangyari sa kanya sa GMA gala: "I feel so kawawa" (@nadinesamonte)
Source: Instagram

Nabalita kasi na nawalan ng mesa si Nadine kahit imbitado siya ay agad na nagkumpirma matapos matanggap ang invitation.

"Paglabas ko kahapon sa event, hindi ko na natapos yung program. I was so frustrated and so down and lost. Again that's the right word na parang 'what happened?'. Parang ganun yung nangyari sa akin. So, my team was so mad. they hugged me when I went up. Umiyak na ako 'don."

Read also

Video kung saan tinawag na 'sir' si Vice Ganda, umani ng komento

Hindi naman umano niya hinihingi ang VIP treatment subalit sana'y naging patas umano ang pagtrato sa mga artista.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"This gala nag-prepare ako since last year pa. I prepared, nag-check in na ako, last year pa. Binook ko na lahat last year pa. We even had meetings for what to do, for what theme to make. Lahat talaga preparation, gastos... And yet, I was not really expecting na matrato ako as VIP pero I was just wishing na matrato ako fairly lang."
"'Nung binigyan nila ako ng invitation for that gala, nag-RSVP kaagad ako. 'Pag hindi ka raw kasama sa RSVP, hindi ka raw makakapasok. So nag-RSVP na ako. I even asked them if I can bring my husband. Pero sabi nila I cannot, walang plus one. So sabi ko, okay sige It's okay. And then pagdating ko 'don... my name was not on the list. Okay, sabi ko pero nag-RSVP po ako. My handler was there also. Ta's sabi, e wala ka po dito, ano po bang apelyido? Lahat na ng apelyido ko sinabi ko na... Sabi ko, meron po akong show ngayon, 'yung 'Forever Young' pero hindi pa ini-air. They were looking, they were thinking saan ako iuupo. Sabi, o sige upo ka nalang dito kina Althea kasi may isa pang seat na pwede. So binigyan nila ako ng number, when I went inside, sobrang puno nung table and all of their names were there."

Read also

Tito Mars, naghayag ng kanyang opinyon sa isyu ni Jude Bacalso

Bagama't nabigyan pa rin naman siya ng mesang mauupuan, siya na lamang mag-isa doon at nilalapitan na lamang siya ng ibang mga kapwa artista.

"It was dulong-dulong table, and walang nakaupo 'dun, Ako lang. I feel so kawawa na everybody is going sa'kin na parang Nadine, are you okay? Okay ka lang ba diyan?"

Sa kabila nito, inunawa pa rin ni Nadine ang nangyari at nagpapasalamat pa rin sa GMA. Hiling lamang niyang maging maingat na ang mga organizers nito sa susunod.

"Masama lang talaga 'yung loob ko Tito Ogie. pero it's okay. I'm thankful naman sa GMA kahit papano na-invite ako sa ganitong malaking event talaga na once a year. And I'm thankful also kasi meron akong bagong show with them."
"I hope next year, the production will be more vigilant"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Isa rin sa naging agaw-eksena sa nasabing GMA gala 2024 ay si Herlene Budol. Ito ay dahil sa pagkahulog niya sa entablado subalit nakabalik muli at nakarampa. To the rescue naman ang Kapuso star na si Barbie Forteza na nasa entablado rin sa oras na iyon. Sa kabila ng laki ng kanyang gown, nagawa nitong tumakbo papalapit kay Herlene para ito ay tulungan.

Read also

Ogie Diaz, may payo sa BINI kaugnay sa kanilang 'Jabbawockeez' ootd

Dahil dito, marami ang lalong humanga sa kabutihan ng Barbie na wala umanong pinipiling oras sa pagpapakita ng malasakit sa kapwa. Matatandaang minsan ana siyang napuri ni Ivana Alawi at sinabing si Barbie ang "nicest person" sa GMA. Aniya, hindi raw niya ito makakalimutan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica