Willie Revillame, napagsabihan ang floor direktor na dumaan sa harap ng camera

Willie Revillame, napagsabihan ang floor direktor na dumaan sa harap ng camera

- Napagsabihan ni Willie Revillame ang floor director ng kanilang show matapos nitong dumaan sa harap ng camera

- Aniya, gusto lamang niyang mapaganda ang programa nila at siya daw nag-iisip para sa show

- Dagdag pa niya, sana maintindihan siya kung bakit siya nagagalit dahil aniya ay nagre-rehearse sila pero nagkakamali pa rin

- Siya daw ang nagiging kawawa, mayabang sa show dahil sa kanyang mga reaksiyon

Pinuna at pinagsabihan ni Willie Revillame ang kanyang floor director matapos nitong dumaan sa harap ng camera habang nasa live airing ang kanilang programa.

Sinabi ni Willie na ang layunin niya ay mapaganda ang kanilang programa at siya ang nag-iisip para dito.

Willie Revillame, napagsabihan ang floor direktor na dumaan sa harap ng camera
Willie Revillame, napagsabihan ang floor direktor na dumaan sa harap ng camera
Source: Youtube

Binanggit niya rin ang pangba-bash sa kanya kapag nagagalit siya.

Napuna ni Willie na may mga pagkakamali pa rin kahit nagre-rehearse na sila, at idiniin na siya ang nagiging kawawa at mayabang dahil sa kanyang mga reaksiyon sa show.

Read also

Barbie Forteza, na-'gong' sa 'Tawag ng Tanghalan' matapos niyang kumanta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Yan po ang problema kapag hindi alam ang ginagawa sa show, ako ang lahat ang nananagot. Para malaman niyo lang ho, para maintindihan niyo.

Aniya, sa kabila ng kanilang rehearsals ay nagkakamali pa rin.

"Nire-rehearse namin 'to ha. Pag ni-rehearse, nagkakamali pa kami, bakit?"

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito. Hindi rin pinalampas ni Willie ang ilang nababasa niyang komento kung saan tila natutuwa pa ang ilan sa pagsasara ng AMBS. Sana'y inisip na lamang ng mga taong nambabatikos na may mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa paghinto ng operasyon ng AMBS.

Read also

John Estrada, tinanong si Lorna Tolentino: "Ang pag-ibig ba kahit mali, pwede ipaglaban?"

Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang dapat ay i-'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito. Kaugnay nito, binalikan umano ng mga netizens ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa Wowowin noon kaugnay sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN. Ito rin umano ang pinaghugutan ng mga ito upang salungatin ang naging pahayag ni Willie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate