Boy Abunda, nagbahagi ng opinyon sa MUP hosting ni Alden Richards: "Sisigaw ka talaga"

Boy Abunda, nagbahagi ng opinyon sa MUP hosting ni Alden Richards: "Sisigaw ka talaga"

- Nagbigay ng komento si Boy Abunda tungkol sa pasigaw na pagho-host ni Alden Richards sa Miss Universe Philippines

- Ipinaliwanag ni Boy na mahirap maiwasan ang pagsigaw lalo na kapag hindi maayos ang monitors sa entablado

- Sinabi rin niya na may notion na dapat sumigaw ang host para sa mga pageant announcements

- Inamin ni Boy na hindi pa niya natuturuan si Alden pero naniniwala siyang willing matuto ang aktor

Nagbigay ng komento si Asia’s King of Talk Boy Abunda tungkol sa pasigaw na paraan ng pagho-host ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa nagdaang Miss Universe Philippines.

Boy Abunda, nagbahagi ng opinyon sa MUP hosting ni Alden Richards: "Sisigaw ka talaga"
Boy Abunda, nagbahagi ng opinyon sa MUP hosting ni Alden Richards: "Sisigaw ka talaga"
Source: Facebook

Sa ulat ng GMA Integrated News noong Martes, Hulyo 16, ipinahayag ni Boy Abunda ang kanyang opinyon hinggil sa isyu at posibleng dahilan kung bakit napansin ang pagsigaw ni Alden bilang host ng naturang pageant.

Ayon kay Boy Abunda, mahirap maiwasan ang pagsigaw lalo na kapag nasa entablado. Ipinaliwanag niya na may mga pagkakataon kung saan hindi maririnig ng host ang kanyang sariling boses,

Read also

John Estrada, tinanong si Lorna Tolentino: "Ang pag-ibig ba kahit mali, pwede ipaglaban?"

lalo na kung ang mga monitors ay hindi maayos na nakaayos sa entablado. Sinabi niya, "Alam n'yo yung criticisms kay Alden na sumisigaw, bumababa, napakahirap no'n kasi when you're on stage, hindi mo talaga naririnig. Lalo na kapag ang monitors are not properly placed on stage. Sisigaw ka talaga."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa ni Boy, mayroong notion o peg kung paano isinasagawa ang ganitong klaseng hosting, kung saan ang mga host ay kadalasang sumisigaw upang ipahayag ang mga pangalan ng mga kandidato. Sinabi niya, "Plus, mayroon kang notion na that's the way they do it. 'Ladies and gentlemen, the top 20… Vietnam!' 'Di ba, may notion ka. Even as a viewer may peg ka kung paano nila ginagawa 'yun, plus hindi nila naririnig."

Si Richard Reyes Faulkerson Jr. o mas kilala sa kanyang screen name na Alden Richards ay isang actor, host, producer at entrepreneur. Binansagan siya bilang "The Asia's Multimedia Star" matapos makatanggap ng Asian Star Prize awards sa 14th Seoul International Drama Awards of 2019 for acting. Nakilala siya bilang kapareha ni Maine Mendoza sa tandem nilang AlDub sa Eat Bulaga.

Read also

Priscilla Meirelles, usap-usapan sa matapang na komento nito sa post ni John Estrada

Ayon kay Ogie Diaz, magbibigay siya ng P100,000 kung may mailalabas na anak ang isa sa mga AlDub fan na nagsalita sa isang video. Dagdag pa niya, P150,000 naman ang ibibigay niya kung mapapatunayan nito na may apo na rin ang AlDub.

Kamakailan ay inalmahan ni Cristy Fermin ang ilang Aldub fans na tila nagdududa pa kung si Arjo Atayde nga ang kasama ni Maine sa bakasyon nito kamakailan. Aniya, may ilang AlDub fans pa umanong magtutungo sa airport upang salubungun si Maine.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: