'Marites', ginaya si Lena: 'Rigor, gusto mo ng Liempo?"

'Marites', ginaya si Lena: 'Rigor, gusto mo ng Liempo?"

- Nakapanayam ni MJ Felipe sa 'On Cue' si Cherry Pie Picache at natanong niya ito tungkol sa kanyang pagganap bilang si Marites sa Batang Quiapo

- Para sa kanya ay fulfilling ang nagiging pagtanggap ng tao sa kanilang serye

- Kuhang-kuha niya na daw ang kanyang ginagampanang papel

- Sa naturang panayam ay game na ginaya ni Cherry Pie ang viral na kaartehan ni Lena habang sinasabi niya ang linyang 'Rigor, gusto ko ng liempo'

Sa isang panayam ni MJ Felipe sa 'On Cue', ibinahagi ni Cherry Pie Picache ang kanyang pagkakaengganyo bilang si Marites sa Batang Quiapo.

'Marites', ginaya si Lena: 'Rigor, gusto mo ng Liempo?"
'Marites', ginaya si Lena: 'Rigor, gusto mo ng Liempo?"
Source: Youtube

Ayon kay Cherry Pie, napakatuwa niya sa positibong pagtanggap ng mga tao sa kanilang serye.

Sinabi pa niya na kuhang-kuha na niya ang kanyang ginagampanang papel.

Sa nasabing panayam, pinalabas ni Cherry Pie ang kanyang galing sa pag-arte sa pamamagitan ng pag-gaya sa viral na kaartehan ni Lena, habang sinasambit ang linyang 'Rigor, gusto ko ng liempo'.

Read also

Willie Revillame, binati sina Coco Martin, Julia Montes at mga anak nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, wala pa ang trending na eksena nila kamakailan ang mga aabangan ng mga manonood sa darating na mga episodes ng kanilang serye.

Nagpasalamat si Cherry Pie sa lahat ng pagmamahal at pagtangkilik ng manonood sa kanilang serye.

Ang teleseryeng FPJ's Batang Quiapo ay pinagbibidahan ng tinaguriang "Teleserye King" na si Coco Martin. Siya ay may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang programa, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.

Matatandaang naikwento ni Coco Martin sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano na nabigyan na umano niya ng kanya-kanyang bahay at kanya-kanyang mga negosyo ang apat pa niyang mga kapatid. Katunayan, ang dalawa pa sa mga ito ay bahagi na rin ng FPJ Batang Quiapo.

Read also

Rendon Labador, sa mga balitang naiuugnay sa kanya: "Lahat 'yan mali, lahat 'yan ikakasira ko"

Bukod kina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral, ilan din sa mga kasama nina Coco sa naturang serye ay sina Ivana Alawi, Jaime Fabregas, Charo Santos at maging ang internet star na si Diwata.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate