Maris Racal, naiyak nang amining hiwalay na sila ni Rico Blanco matapos ang limang taon

Maris Racal, naiyak nang amining hiwalay na sila ni Rico Blanco matapos ang limang taon

- Inamin ni Maris Racal na hiwalay na sila ni Rico Blanco sa ginanap na presscon

- Naiyak si Maris habang nagbabahagi siya tungkol sa pinagdadaanan niya pero nilinaw niyang walang kinalaman ang love team niyang si Anthony Jennings sa kanilang paghihiwalay

- Hindi daw naging madali ang kanilang pag-uusap pero kahit sa hanggang sa huli daw ay naging maayos at marespeto ang kanilang paghihiwalay

- Nabanggit niyang ilang linggo na ang nakaraan nang magtapos ang kanilang limang taong relasyon

Inamin ni Maris Racal na hiwalay na sila ni Rico Blanco sa ginanap na press conference. Naiyak si Maris habang nagbabahagi siya tungkol sa pinagdadaanan niya, ngunit nilinaw niyang walang kinalaman ang kanyang love team partner na si Anthony Jennings sa kanilang paghihiwalay.

Maris Racal, naiyak nang amining hiwalay na sila ni Rico Blanco matapos ang limang taon
Maris Racal, naiyak nang amining hiwalay na sila ni Rico Blanco matapos ang limang taon
Source: Youtube

Hindi raw naging madali ang kanilang pag-uusap, ngunit kahit hanggang sa huli ay naging maayos at marespeto ang kanilang paghihiwalay. Nabanggit niyang ilang linggo na ang nakaraan nang magtapos ang kanilang limang taong relasyon.

Read also

Rendon Labador, hindi umano pinagsisihan ang nagawa sa Coron, Palawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hiniling ni Maris na huwag ibash si Rico dahil aniya, wala itong kasalanan sa kanilang paghihiwalay. Sunod-sunod na ang naging tanong tungkol sa buhay pag-ibig kaya kinalaunan ay inamin ni Maris ang tungkol sa kanilang paghihiwalay. Aminado siyang natatakot siya dahil kapag isinapubliko niya ang tungkol dito ay totoo na talaga ito.

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Read also

Maris Racal, nilinaw na walang kinalaman si Anthony Jennings sa breakup nila ni Rico Blanco

Samantala, marami ang kinilig sa birthday greeting ni Rico Blanco ni Maris. Nagdiriwang ng ika-26 na kaarawan si Maris noong Setyembre 22. Sa kanya namang socmed, nagbahagi si Maris ng ilan sa kanyang mga larawan. Taong 2021 nang aminin ni Maris sa "Magandang Buhay" na bago pa man ang pandemic ay may relasyon na sila ni Rico.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: