Claudine Barretto, nagsalita matapos mag-viral ang pictures ng anak na si Santino

Claudine Barretto, nagsalita matapos mag-viral ang pictures ng anak na si Santino

- Nabahagi ni Claudine Barretto sa Ogie Diaz Showbiz Update ang kanyang saloobin matapos ang pag-viral ng pictures ng anak nila ni Raymart Santiago na si Santino Santiago

- Bilang nanay ay kinilig daw siya sa pag-viral ng anak at halos mga papuri ang komento ng netizens

- Ani Claudine, ayaw daw ni Santino na palaging i-post ang kanyang picture dahil ayaw daw niyang matukso na nepo baby

- Bukod daw sa sports, mukhang mas hilig daw ni Santino ang pag-direct kagaya sa kanyang mga tito na kapatid ni Raymart na mga direktor

Sa isang episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update," ibinahagi ng aktres na si Claudine Barretto ang kanyang saloobin matapos mag-viral ang mga larawan ng kanyang anak na si Santino Santiago, anak nila ng dating asawang si Raymart Santiago.

Claudine Barretto, nagsalita matapos mag-viral ang pictures ng anak na si Santino
Claudine Barretto, nagsalita matapos mag-viral ang pictures ng anak na si Santino
Source: Instagram

Ayon kay Claudine, bilang isang ina, kinilig siya sa pag-viral ng mga larawan ni Santino. Halos puro papuri ang mga komento ng netizens, na nagpapakita ng kanilang paghanga sa kagwapuhan ng binata.

Read also

JoWaPao, nawindang nang banggitin ng batang contestant si Vice Ganda

Dagdag pa ng aktres, bagamat aktibo si Santino sa sports, mas nagiging interesado ito sa pagdidirek.

Patuloy na inaabangan ng publiko ang mga susunod na hakbang ni Santino, lalo na kung papasukin din ba niya ang mundo ng showbiz o mananatiling sa likod ng kamera gaya ng kanyang mga tito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuporta ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Read also

Diana Zubiri, nagbenta ng ilang kontrobersyal niyang gamit sa Pinoy Pawnstars

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate