Kathryn Bernardo, agaw-eksena ang performance sa Superbods 2024 Finals Night

Kathryn Bernardo, agaw-eksena ang performance sa Superbods 2024 Finals Night

- Naging usap-usapan agad ang naging performance ni Kathryn Bernardo sa Superbods 2024 Finals Night

- Marami ang napa-wow kay Kathryn na minsan naring naging agaw-pansin ang performance sa ABS-CBN Christmas Special

- Si Kathryn ang endorser ng Century Tuna ngayong taon na may temang 'Best You Ever'

- Bukod dito, marami na ang excited sa sequel ng pelikula ni Alden Richards na Hello, Love Again

Mabilis na nag-viral ang naging dance number ni Kathryn Bernardo sa Century tuna Superbods 2024 Finals Night.

Marami ang muling namangha sa performance ni Kathryn sa entablado na matatandaang naging agaw-pansin din ang pagtatanghal sa ABS-CBN Christmas Special.

Talagang umani na naman siya ng papuri hindi lamang sa kanyang mga fans kundi maging sa ibang netizens na nakapanood ng kanyang performance.

"Bravo Kathryn! More dance numbers pa po."

"Galing mo Kath. Actress/ performer ka talaga"

Read also

Josh Mojica, muling sinagot ang "diskarte o diploma?"

"I'm not a fan, pero mukhang magiging fan mo na ako Ms. Kath. Superb!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ang husay! deserve mo maging endorser ng Century tuna Superbods"

"That's our girl! excellent performance."

Samantala, narito ang bahagi ng kanyang dance number na ibinahagi rin ng Vera Wàng Facebook page:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Samantala, minsan nang nabanggit ni Ogie Diaz ang nalaman umano niya sa kanyang source na tuloy na ang part 2 ng Hello Love Goodbye na ang lokasyon naman ay sa Canada. Kalaunan ay kinumpirma na ito at may title na "Hello Love Again."

Read also

Melai, nagkwento paano mag-CR na may camera sa loob ng PBB house

Matatandaang ang Hello Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay minsan nang naging highest grossing film sa bansa bago pa man ito masungkit ng 'Rewind' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Naging pambato sa Metro Manila Film Festival noong 2023.

Samantala, wagi naman bilang Best Actress si Kathryn sa natapos na Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) para sa pelikulang 'A Very Good Girl.' Tinalo niya ang iba pang mga nominado na sina Maricel Soriano para sa pelikulang In His Mother's Eyes, Charlie Dizon para sa Third World Romance, Marian Rivera sa pagganap nito sa blockbuster movie na Rewind kung saan kasama niya ang mister na si Dingdong Dantes, Eugene Domingo sa pelikula nila ni Pokwang na Becky & Badette at maging si Megastar Sharon Cuneta para sa "Family Of Two."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica