Willie Revillame,naglabas ng saloobin sa posibilidad ng pagpasok nya sa politika

Willie Revillame,naglabas ng saloobin sa posibilidad ng pagpasok nya sa politika

- Nagbahagi si Willie Revillame ng saloobin ukol sa politika sa 'Seryosong Usapan' sa TV5

- Nakaramdam siya ng pagkadismaya sa kaguluhan sa mga pagdinig sa Senado at Kongreso

- Binatikos niya ang pagkakaiba ng mga pangako sa kampanya at mga aksyon kapag nasa posisyon na

- Matatandaang tinanggihan niya noon ang alok ni dating Pangulong Duterte na tumakbo bilang senador sa ilalim ng UniTeam coalition

Sa kanyang pagdalo sa programang 'Seryosong Usapan' na pinangungunahan nina Gretchen Ho, Ed Lingao, Patrick Paez, at Lourd De Veyra sa TV5, ibinahagi ni Willie Revillame ang kanyang mga saloobin ukol sa politika at ang posibilidad ng pagtakbo bilang senador sa darating na 2025 midterm elections.

Willie Revillame,naglabas ng saloobin sa posibilidad ng pagpasok nya sa politika
Willie Revillame,naglabas ng saloobin sa posibilidad ng pagpasok nya sa politika
Source: Youtube

Sa naturang usapan, tinanong ang nagbabalik na TV personality tungkol sa kanyang mga planong pulitikal, lalo na matapos ipahayag kamakailan ang kanyang kahandaang tumakbo bilang senador. Ibinahagi ni Willie na siya ay nakakaramdam ng pagkadismaya tuwing nanonood ng mga pagdinig sa Senado at Kongreso, kung saan napansin niya ang tinawag niyang kaguluhan sa pagitan ng mga mambabatas.

Read also

Kapatid ni Yitzhak Cohen, nananawagan ng hustisya para sa kapatid at fiancée nito

“Ako’y magiging tapat, nanonood ako ng senate hearing… inilalagay ko ang sarili ko doon, iniisip ko kung ano ang magagawa ko, pero ‘pag nakikita kong nag-aaway at walang pagkakaisa, para akong naffu-frustrate,” ani Willie.

Kanyang binatikos ang karaniwang kalakaran ng mga kampanyang politikal, kung saan binibigyang-diin ang pagkakaisa at nangangako sa mga botante, subalit nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng agenda kapag nakaupo na sa pwesto.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, may kontrata siya sa TV5 na hindi siya papasok sa politika.

Matatandaang tinanggihan ni Willie ang alok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang senador sa ilalim ng UniTeam coalition, dahilan sa kanyang pakiramdam ng kakulangan sa kahandaan at kaalaman tungkol sa mga tungkulin ng isang mambabatas.

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Read also

Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo, masayang binahagi ang pagkasilang kay 'Player 3'

Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito. Hindi rin pinalampas ni Willie ang ilang nababasa niyang komento kung saan tila natutuwa pa ang ilan sa pagsasara ng AMBS. Sana'y inisip na lamang ng mga taong nambabatikos na may mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa paghinto ng operasyon ng AMBS.

Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang dapat ay i-'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito. Kaugnay nito, binalikan umano ng mga netizens ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa Wowowin noon kaugnay sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN. Ito rin umano ang pinaghugutan ng mga ito upang salungatin ang naging pahayag ni Willie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate