Ali Khatibi, ibinida ang picture ng mga anak niya kasama ang kanyang partner

Ali Khatibi, ibinida ang picture ng mga anak niya kasama ang kanyang partner

- Ibinida ni Ali Khatibi ang picture kung saan magkakasama ang kanyang dalawang anak at ang kanyang kasalukuyang partner

- Makikita sa kanyang Instagram story ang anak nila ni Cristine Reyes na si Amarah Khatibi

- Makikita din ang kanyang kasalukuyang parter na si Dona Balmadrid na karga ang kanilang anak

- Matatandaang kamakailan lang nang isapubliko ni Ali ang tungkol sa anak nila

Ibinida ni Ali Khatibi ang mga heartwarming na larawan kung saan makikita ang kanyang dalawang anak at ang kanyang kasalukuyang partner. Sa kanyang Instagram story, makikita si Amarah Khatibi, ang anak ni Ali kay Cristine Reyes, na masayang kasama ang kanyang kapatid.

Ali Khatibi, ibinida ang picture ng mga anak niya kasama ang kanyang partner
Ali Khatibi, ibinida ang picture ng mga anak niya kasama ang kanyang partner
Source: Instagram

Kasama rin sa larawan ang kasalukuyang partner ni Ali na si Dona Balmadrid, na karga ang kanilang anak. Kitang-kita sa larawan ang masayang pagsasama ng kanilang pamilya, na nagdulot ng maraming positibong reaksyon mula sa kanilang mga followers.

Read also

Alodia Gosiengfiao, pinasilip ang paghahanda ng kanyang mister sa pagiging isang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang kamakailan lamang ay isapubliko ni Ali ang tungkol sa kanilang anak ni Dona, na agad namang sinuportahan at ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga. Ang pagbabahagi ng larawan na ito ay patunay ng masayang buhay-pamilya ni Ali at ng kanyang mga mahal sa buhay. Nakasama rin niya kamakailan si Cristine sa moving up ni Amarah.

Ali Khatibi, ibinida ang picture ng mga anak niya kasama ang kanyang partner
Ali Khatibi, ibinida ang picture ng mga anak niya kasama ang kanyang partner
Source: Instagram

Si Ara Cristine Pascual Klenk o mas kilala sa kanyang screen name na Cristine Reyes ay isang Filipina actress, model, dancer at endorser. Una siyang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa talent search ng GMA na Starstruck. May anak siya sa kanyang dating partner na si Ali Khatibi.

Matatandaang ibinahagi ni Ali Khatibi ang mga litrato nila ng kanyang anak na si Amarah sa kanilang bakasyon sa Siargao. Nauna nang sinabi ni Ali na na-mi-miss niya na ang anak nila ng dating asawang si Cristine. Inamin naman ng aktres na nakapag-move on na siya sa paghihiwalay nila ng kanyang dating mister. Matatandaang ikinasal sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa isang beach wedding sa Balesin noong January 27, 2016.

Read also

Jelai Andres, ibinida ang love life nila ng mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn

Ibinahagi naman ni Cristine sa kanyang Instagram post ang kanyang naging therapy para sa kanyang paa. Hindi na idinetalye ng aktres ang dahilan ngunit aniya ay nakaranas siya ng freak accident. Ibinahagi niya ito ilang araw bago ang kanyang ika-33 na kaarawan noong February 5. Bumuhos ang pagbati at get well wishes para sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kasamahan niya sa industriya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate