Robi Domingo, iginiit na "Kahit anong mangyari, may ABS-CBN pa rin"
- Kabilang si Robi Domingo sa mga naroroon sa ginanap na PBB Gen 11 mediacon
- Sa naturang mediacon ay kasama ang iba pang hosts ng PBB na sina Alexa Ilacad, Robi Domingo, Bianca Gonzalez-Intal, Melai Cantiveros-Francisco at Enchong Dee
- Sa kanyang pagsagot sa isang katanungan ay nabanggit ni Robi ang mga salitang "Kahit anong mangyari, may ABS-CBN pa rin"
- Nagdulot ito ng reaksiyon mula sa press people lalo at kamakailan lang ay naging isyu ang komento sa TikTok account ni Dennis Trillo na umano ay na-hack
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kabilang si Robi Domingo sa mga naroroon sa ginanap na PBB Gen 11 mediacon. Ang nasabing event ay dinaluhan din ng iba pang mga hosts ng Pinoy Big Brother (PBB) na sina Alexa Ilacad, Bianca Gonzalez-Intal, Melai Cantiveros-Francisco, at Enchong Dee.
Sa kalagitnaan ng mediacon, habang sinasagot ni Robi ang isang katanungan mula sa press, mariin niyang binanggit ang mga salitang "Kahit anong mangyari, may ABS-CBN pa rin." Ang kanyang pahayag ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa mga mamamahayag na naroroon, lalo na sa konteksto ng kasalukuyang sitwasyon ng network.
Matatandaan na kamakailan lamang ay naging mainit na paksa ang komento sa TikTok account ni Dennis Trillo na umano'y na-hack. Ang komento ay nagdulot ng kontrobersiya.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo o mas kilala bilang si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host. Una siyang sumikat sa mundo ng showbiz nang sumali siya at kinilala bilang first runner-up ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Naging bahagi siya ng mga artista ng Star Magic.
Matatandaang nagbigay komento si Rob kaugnay sa viral na PBB teens episode. Imbis na Gomburza ang isagot patungkol sa Filipino martyr priests, "MaJoHa" ang isinagot ng housemate. Kaya naman may hamon si Robi sa mga content creators ngayon sa paglikha ng mas makabuluhang mga konsepto ng kanilang video. Aniya, nasasalamin din sa pangyayari ang sistema ng edukasyon sa bansa.
Kabilang si Robi sa naging usap-usapan lalo nang mabanggit sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino. Sa kanyang official Twitter page, nagpost si Robi ng tanong na "how true." Dahil sa kainitan ng isyu tungkol sa mga screenshots na nilabas ni Wilbert Tolentino, hindi maiwasan ng mga netizens na iugnay ang post na ito ni Robi sa isyu.
Source: KAMI.com.gh