Sarah G, kinagiliwan sa sampol niya ng 'Salamin, salamin'

Sarah G, kinagiliwan sa sampol niya ng 'Salamin, salamin'

- Kinagiliwan ng marami ang maiksing video ni Sarah Geronimo na tila nagsampol ng 'Salamin, salamin'

- Masasabing bahagi ito ng panayam kung saan naisingit pa umano niya ang awiting pinasikat ng BINI

- Matatandaang marami ang nagsasabing hawig ang isang miyembro ng BINI kay Sarah G

- Kaya naman mapapansin sa comment ng section ng naturang video, bagay ding maging miyembro ng BINI si Sarah G

Pinusuan ng marami ang hindi nila inaasahang sampol ni Sarah Geronimo- Guidicelli ng sikat na sikat na awiting 'Salamin, salamin' ng grupong BINI.

Sarah G, kinagiliwan sa sampol niya ng 'Salamin, salamin'
Sarah G, kinagiliwan sa sampol niya ng 'Salamin, salamin' (Sarah Geronimo)
Source: Facebook

Sa maiksing video na ibinahagi ng @sarahgeronimoshots ng TikTok, pinakita ang cute na pag-awit with action pa ni Sarah.

Masasabing bahagi ito ng isang panayam kung saan naisama pa niya ang awitin na talaga namang napapanahon.

Dahil dito, hindi maiwasang maihambing ng marami si Sarah sa isa sa mga miyembro ng BINI na sinasabing kamukha niya, si BINI Sheena.

Read also

BINI Colet, viral nang ikuwento ang tungkol sa 'poster' ni Nadine na nais bilhin noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Surprise guest ka po ba ng BINI Sa October? OMG! kaka-excite po"
"BINI Sheena is that you?"
"Ang cute! pati ang Popstar Royalty nakiki-Salamin"
"Sana makapanood kami ng full version ni Sarah G ng Salamin"
Collab with BINI Sheena po please Ms. Sarah G

Narito ang kabuuan ng video:

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A Night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.

Bukod sa pagiging isang napakahusay na singer/performer, pumatok din sa takilya ang ilang pelikula nila ni John Lloyd Cruz tulad ng 'A Very Special Love,' 'You Changed My Life,' 'It Takes a Man and a Woman,' at 'Finally Found Someone'

Read also

Kris Aquino, uuwi ng Pilipinas matapos ang umano'y kinatatakutang gamutan

Matatandaang noong Mayo ng nakaraang taon, ipinagdiwang ni Sarah ang 20 taon niya sa showbiz sa isang concert na ginanap sa Araneta Coliseum. Usap-usapan ito at marami umanong nag-abang kung dadalo ang pamilya ni Sarah lalo na ang kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel