Karla Estrada, nilinaw na hindi siya napikon: "May karapatan din akong maumay"

Karla Estrada, nilinaw na hindi siya napikon: "May karapatan din akong maumay"

- Nilinaw ni Karla Estrada na hindi siya napikon sa kanyang kamakailang pahayag tungkol sa isang online magazine

- Ipinaliwanag niya na naglabas lamang siya ng kanyang saloobin at may karapatan din siyang maumay sa paulit-ulit na mga balita

- Ipinunto niya na malaya rin siyang magpahayag tulad ng iba na palaging nagkokomento sa kanyang buhay

- Binanggit ni Karla na hindi siya madaling mapikon at hinihikayat ang iba na huwag din mapikon

Matapos ang kanyang pag-alma kamakailan tungkol sa post ng isang online magazine, minabuti ni Karla Estrada na linawing hindi siya napikon kundi naglabas lang ng kanyang saloobin.

Karla Estrada, nilinaw na hindi siya napikon: "May karapatan din akong maumay"
Karla Estrada, nilinaw na hindi siya napikon: "May karapatan din akong maumay"
Source: Facebook

Matatandaang inalmahan ni Karla ang article ng isang online magazine tungkol sa kanyang bahay na ibinibenta tatlong taon na ang nakakalipas. Kinuwestiyon niya kung bakit kailangang ilagay pa maging ang picture ng kanyang mga anak sa naturang post. Sinabi niya rin na hindi na niya ibinebenta ang kanyang bahay.

Read also

Otlum, bumuhos ang luha nang muling nakita ang kanyang mga anak

"Nagpahayag lang ako ng damdamin ko. Katulad ng iba na malayang naghahayag tungkol sa bahay o buhay ko ng paulit-ulit. May karapatan din akong maumay. Hindi ako pikon, hindi ako puwedeng mapikon, diri ako maupay mapikon, makalilisang. So wag na mapikon," pahayag ni Karla Estrada.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Karla, may hangganan din ang kanyang pasensya pagdating sa mga isyu na paulit-ulit na binabalik-balikan. Aniya, katulad ng ibang tao, may karapatan din siyang maglabas ng saloobin at magpahayag ng kanyang damdamin.

Si Karla Estrada ay isang aktres, singer at TV host sa Pilipinas. Siya ang ina ng aktor na si Daniel Padilla. Isa si Karla sa orihinal na mga hosts ng programang Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Kamakailan, pinasalamatan ni Karla ang mga dumalo sa Pagkakaisa concert sa kabila ng pagbuhos ng ulan. Matatandaang ang anak niyang si Daniel Padilla ay nagpaunlak pa rin ng awitin sa kabila ng pag-ulan upang hindi mabigo ang mga nanonood sa nasabing pagtitipon.

Read also

Fast food employee, viral sa kakaibang tulong sa matandang humingi lang ng tubig

Samantala, sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano, naikwento ni Karla ang pinakamalungkot na alaala umano ni Daniel sa kanilang mag-ina. Nang malaman niya ito, sinulatan niya si Daniel at nag-sorry sa madalas umanong pag-iwan niya noon sa anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel