Toni Gonzaga, binahagi ang picture nila ng asawa kasama si Charo Santos

Toni Gonzaga, binahagi ang picture nila ng asawa kasama si Charo Santos

- Binahagi ni Toni Gonzaga ang kanyang kasiyahan at pasasalamat kay Charo Santos matapos ang kanilang lunch

- Bukod kay Toni, kasama din nila ang asawa ng TV Host na si Paul Soriano

- Bagaman walang ibang detalyeng binahagi si Toni kaugnay sa kanilangpagkikita marami sa kanyang fans ang na-excite

- Maging ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga ay napa-comment ng 'Exciting!'

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ibinahagi ni Toni Gonzaga ang isang espesyal na sandali kasama si Charo Santos sa pamamagitan ng social media. Ayon sa kanyang post, nagkaroon sila ng isang "great meeting and lunch" na ipinakita sa isang larawan kasama rin ang kanyang asawa na si Paul Soriano. Sinabi ni Toni, “Missed you, Ma’am Charo Santos! Great meeting and lunch with you🤍,” na nagpapakita ng kanyang kasiyahan at pasasalamat sa pagkakataon.

Toni Gonzaga, binahagi ang picture nila ng asawa kasama si Charo Santos
Toni Gonzaga, binahagi ang picture nila ng asawa kasama si Charo Santos
Source: Facebook

Bagaman walang karagdagang detalye ukol sa kanilang pagkikita, hindi napigilan ng mga tagahanga ni Toni ang excitement. Pati ang kapatid niyang si Alex Gonzaga ay nagkomento ng “Exciting!” sa naturang post.

Read also

Jennifer Hudson, napabato ng sapatos dahil sa performance ni Sofronio Vasquez

Matatandaang nagbitiw si Toni bilang host ng Pinoy Big Brother noong 2022 upang tutukan ang kampanya sa eleksyon. Simula noon, hindi pa siya bumabalik sa ABS-CBN, kaya’t ang muli niyang paglabas kasama si Charo Santos ay nagdulot ng pag-asa sa kanyang mga tagahanga na maaari siyang muling makita sa network.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang nasabing post ay nagbigay ng aliw at pasabik sa mga fans ni Toni na patuloy na sumusubaybay sa kanyang karera at personal na buhay.

Si Toni Gonzaga ay isang TV host, naging kilala si Toni sa pagiging bahagi ng mga sikat na programa tulad ng "Eat Bulaga!" at "Pinoy Big Brother." Isa rin siyang mahusay na host sa iba't ibang awards shows at events. Bukod sa hosting, siya rin ay nagtagumpay sa larangan ng pag-arte, kabilang ang mga pelikulang "Starting Over Again" at "My Amnesia Girl."

Tagos sa puso ang naging Father's Day post ni Joel Regal. Matatandaang si Joel ay ang panauhin ni Toni Gonzaga sa Toni Talks YouTube channel nito sa nasabing araw.

Read also

Chito Miranda, may panibagong post matapos lumabas ang balita tungkol kay Neri

Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang post ng isang rider na inakalang siya si Toni Gonzaga habang ang asawa naman niyang si Mikee Morada ay inakalang si James Yap.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate