Raquel Pempengco, nag-react sa bashing dahil sa opinyon nya tungkol kay Stell Ajero

Raquel Pempengco, nag-react sa bashing dahil sa opinyon nya tungkol kay Stell Ajero

- Sumagot si Raquel Pempengco sa mga kritisismo hinggil sa kanyang opinyon kay Stell Ajero sa isang post

- Pinuri ni Raquel ang kakayahan ni Stell na kumanta ng "money note" na katulad ng mga hinahanap noon kay Charice Pempengco

- Nagbigay si Raquel ng pasasalamat sa kanyang mga tagasuporta sa kabila ng mga negatibong komento at bashing

- Sinabi ni Raquel na walang pagkukumpara sa talento nina Stell at ng iba pang mahuhusay na mang-aawit, at patuloy siyang magbibigay ng suporta kay Stell at sa SB19

Sa isang post, ibinahagi ni Raquel Pempengco ang kanyang tugon sa mga kritisismo hinggil sa kanyang opinyon tungkol kay Stell Ajero.

Raquel Pempengco, nag-react sa bashing dahil sa opinyon nya tungkol kay Stell Ajero
Raquel Pempengco, nag-react sa bashing dahil sa opinyon nya tungkol kay Stell Ajero
Source: Instagram

Ani Raquel, bilang isang matagal nang tagahanga ng SB19, malaking sorpresa sa kanya ang pagkakatuklas na miyembro pala si Stell sa nasabing grupo. Dagdag pa ni Raquel, nagpahayag siya ng kanyang paghanga sa kakayahan ni Stell na kumanta ng "money note," na katulad ng mga hinahanap noon ni David Foster kay Charice Pempengco na ngayon ay si Jake Zyrus.

Read also

Kuya Kim, agad raw kinausap si Vice Ganda matapos ang kanyang post na na misinterpret ng mga tao

Sa kabila ng ilang mga negatibong komento at bashing mula sa ilang indibidwal, ipinahayag ni Raquel ang kanyang determinasyon na manatiling positibo at magpatuloy sa pagsuporta kay Stell at sa SB19. Binigyang-diin din niya na walang pagkukumpara sa pagitan nina Stell at ng iba pang magagaling na mang-aawit tulad nina Charice at Jake, sapagkat bawat isa sa kanila ay may kani-kaniyang husay sa kanilang genre.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo. Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na isa sa tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.

Read also

Carla Abellana, sinagot ang tanong kung handa na ba sya sakaling magkita sila ni Tom Rodriguez

Noong 2021 ay muling nag-viral ang video ni Charice Pempengco na kuha sa isang concert niya kasama si David Foster. Ito ay matapos ibahagi ni Jake Zyrus (Charice) ang kwento sa likod ng performance niyang iyon. Hindi pala naging madali sa kanya ang kanyang pag-perform dahil sa bigat ng kanyang naramdaman. Iyon daw ang unang pagkakataon na pinayagan siya na isuot ang damit na gusto niya.

Matapos ang kontrobersiyal na pagrereklamo ng ina ni Raquel Pempengco sa programa ni Raffy Tulfo, muli silang nakapag-usap. Ito ay matapos hilingin ng matanda na ihatid siyang muli sa bahay ng kanyang anak na kamakailan ay umani ng pambabatikos. Inihingi ng paumanhin ng ina ni Raquel ang kanyang nagawa sa kanyang anak at hindi nito mapigilang maiyak. Kahit emosyonal ay tinanggap ni Raquel ang ina at hiniling na sana ay huwag nang ulitin ng ina ang kanyang ginawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel