Jake Zyrus, sinupalpal ang aniya'y hater na nagkomento sa kanyang boses

Jake Zyrus, sinupalpal ang aniya'y hater na nagkomento sa kanyang boses

- Sinupalpal ni Jake Zyrus ang isang netizen na nagkomento tungkol sa kanyang boses at deadname

- Ipinaliwanag ni Jake na ang hormone therapy ay malaking bahagi ng pagiging transman, na hindi ginawa ni Ice Seguera

- Binatikos ni Jake ang netizen sa pagsuporta sa isang trans at pagbash sa isa pa dahil lang sa pagkanta ng mataas o mababang nota

- Maraming tagasuporta ni Jake ang nagpahayag ng kanilang pagsang-ayon at suporta sa kanyang matapang na tugon

Sinagot ni Jake Zyrus ang isang netizen na nagkomento tungkol sa kanyang boses at sa kanyang desisyong mag-transition. Narito ang komento ng netizen: "Sayang boses mo Charice. Bakit si Ice Seguera trans man pero never binago ang boses. Sayang talaga."

Jake Zyrus, sinupalpal ang aniya'y hater na nagkomento sa kanyang boses
Jake Zyrus, sinupalpal ang aniya'y hater na nagkomento sa kanyang boses
Source: Instagram

Agad na nagbigay ng matapang na tugon si Jake. Sinabi niyang bilang respeto sa kanyang nakaraan, dapat ay itigil ng netizen ang paggamit ng kanyang deadname. Ipinaliwanag din ni Jake na si Ice Seguera ay hindi sumailalim sa hormone therapy, na malaking bahagi ng pagiging transman.

Read also

Carla Abellana, sinagot ang tanong kung handa na ba sya sakaling magkita sila ni Tom Rodriguez

Dagdag pa niya, maaaring may mas mahalagang dahilan kung bakit hindi ito ginawa ni Ice, at hindi na niya ipapaliwanag pa ang iba dahil sa tono ng komento ng netizen, na aniya'y ignorante. Ayon kay Jake, libre naman ang paggamit ng Google at pinili niyang i-pin ang komento ng netizen dahil tila gusto nitong maging sentro ng atensyon, kaya binigay niya ito sa netizen.

Jake Zyrus, sinupalpal ang aniya'y hater na nagkomento sa kanyang boses
Jake Zyrus, sinupalpal ang aniya'y hater na nagkomento sa kanyang boses
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binatikos din ni Jake ang netizen sa pagsuporta sa isang trans at pagbash sa isa pa base lang sa pagbirit. Sinabi niya na ang pagiging transgender ay higit pa sa pag-awit ng mataas o mababang tono.

Sa kanyang huling pahayag, tinuligsa ni Jake ang netizen sa pagtawag sa kanya sa kanyang deadname samantalang si Ice ay tinawag nito sa bago niyang napiling pangalan. Maraming tagasuporta ni Jake ang nagpahayag ng kanilang pagsang-ayon at suporta sa kanyang matapang na tugon. Ipinakita ni Jake na handa siyang ipagtanggol ang kanyang pagkatao at mga desisyon laban sa mga kritiko.

Read also

EXpecially For You searcher, gumawa ng history sa It's Showtime dahil sa kanyang pinili

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo. Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na isa sa tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.

Noong 2021 ay muling nag-viral ang video ni Charice Pempengco na kuha sa isang concert niya kasama si David Foster. Ito ay matapos ibahagi ni Jake Zyrus (Charice) ang kwento sa likod ng performance niyang iyon. Hindi pala naging madali sa kanya ang kanyang pag-perform dahil sa bigat ng kanyang naramdaman. Iyon daw ang unang pagkakataon na pinayagan siya na isuot ang damit na gusto niya.

Matapos ang kontrobersiyal na pagrereklamo ng ina ni Raquel Pempengco sa programa ni Raffy Tulfo, muli silang nakapag-usap. Ito ay matapos hilingin ng matanda na ihatid siyang muli sa bahay ng kanyang anak na kamakailan ay umani ng pambabatikos. Inihingi ng paumanhin ng ina ni Raquel ang kanyang nagawa sa kanyang anak at hindi nito mapigilang maiyak. Kahit emosyonal ay tinanggap ni Raquel ang ina at hiniling na sana ay huwag nang ulitin ng ina ang kanyang ginawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate