Bea Alonzo, sinagot ang tanong kung in love siya sa kasalukuyan

Bea Alonzo, sinagot ang tanong kung in love siya sa kasalukuyan

- Sinagot ni Bea Alonzo ang tanong kung in love daw ba siya sa kasalukuyan

- Sa presscon ng bagong serye niyang 'Widow's War,' natanong ni Dondon Sermino si Bea tungkol dito

- Ani Bea, hindi naman siya in love at single na single daw siya

- Matatandaang may mga lumabas na haka-haka kamakailan na may bagong karelasyon na si Bea

Sinagot ni Bea Alonzo ang tanong kung in love ba siya sa kasalukuyan sa naganap na presscon ng kanyang bagong serye na 'Widow's War.' Natanong siya ni Dondon Sermino tungkol dito, na nagbigay-daan upang linawin ni Bea ang kanyang estado sa buhay pag-ibig.

Bea Alonzo, sinagot ang tanong kung in love siya sa kasalukuyan
Bea Alonzo, sinagot ang tanong kung in love siya sa kasalukuyan
Source: Instagram

Ayon kay Bea, hindi siya in-love at single na single daw siya sa ngayon. Sa kabila ng mga lumabas na haka-haka kamakailan na may bago siyang karelasyon, mariing pinabulaanan ni Bea ito.

Patuloy na nakatutok si Bea sa kanyang career, lalo na sa bagong seryeng kanyang pinagbibidahan, at tila wala pa siyang balak na pumasok muli sa isang relasyon sa kasalukuyan matapos ang naudlot na pagpapakasal nila ni Dominic Roque.

Read also

EXpecially For You searcher, gumawa ng history sa It's Showtime dahil sa kanyang pinili

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Sinagot ni Beatriz Saw ang komento ng isang netizen tungkol sa opinyon niya matapos ang kumpirmasyon sa hiwalayang Bea at Dominic Roque. Ayon sa netizen na ito, masyadong mataas ang tingin ng tao kay Bea dahil meron siyang lupain. Dagdag pa nito, kahit gaano kayaman ang tao kung may 'something' daw sa character ay hindi talaga papakasalan ng lalaki. Sagot naman ni Beatriz ay wala namang something sa character ng kaibigan niyang si Bea.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate