Bimby, naghayag ng kanyang pasasalamat sa panalangin para sa kanyang mama

Bimby, naghayag ng kanyang pasasalamat sa panalangin para sa kanyang mama

- Inihayag ni Bimby ang kanyang pasasalamat sa panalangin para sa kanyang mama

- Sa binahaging video ng beauty expert na si Kimora Bernabe, makikita ang video ni Bimby na nagpapasalamat

- Marami ang nakapansin sa pagbabago kay Bimby lalo at matagal nang hindi nasilayan ang anak ni Kris Aquino sa social media

- Kasalukuyang nasa America ang mag-ina para sa tuloy-tuloy na gamutan ni Kris

Inihayag ni Bimby ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa dasal ng taong tinawag niyang Jaguar para sa kanyang inang si Kris Aquino. Sa isang binahaging video ng beauty expert na si Kimora Bernabe, makikita si Bimby na naglalabas ng kanyang pasasalamat.

Bimby, naghayag ng kanyang pasasalamat sa panalangin para sa kanyang mama
Bimby, naghayag ng kanyang pasasalamat sa panalangin para sa kanyang mama
Source: Instagram

Marami ang napansin ang pagbabago kay Bimby, lalo na't matagal na itong hindi nasilayan sa social media. Ang video ay nagbigay ng pagkakataon sa mga tagahanga na muling makita at marinig si Bimby, na nanatili sa Amerika upang maalagaan ang kanyang ina.

Read also

Lovely Abella, pina-cancel ang flight; hindi kinayang malayo sa anak

Sa kasalukuyan, nasa Amerika ang mag-ina para sa tuloy-tuloy na gamutan ni Kris. Patuloy ang kanilang pag-asa at pananalig sa paggaling ni Kris, at patuloy ang walang sawang suporta at panalangin mula sa kanilang mga tagahanga at mahal sa buhay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas.

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate