Andi, ikinuwento ang papuri ng Hollywood actress na si Kirsten Dunst sa kanyang ina
- Naikwento ni Andi Eigenmann ang pagkakataong nakilala nila ng kanyang inang si Jaclyn Jose ang Hollywood actress na si Kirsten Dunst
- Nakilala nila ito sa Cannes Film Festival noong 2016 kung saan nakatanggap ng award si Jaclyn
- Hindi napigilan ni Andi ang maging emosyonal nang sabihin umano ng Hollywood actress na masuwerte siya sa kanyang ina
- Pagbabalik-tanaw ni Andi, isinama siya ng ina sa pagtanggap ng best actress award na iyon sa Cannes upang ibahagi sa kanya ang makasaysayang pagkakataong iyon sa kanyang karera
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Emosyonal na binalikan ni Andi Eigenmann ang papuring natanggap ng kanyang inang si Jaclyn Jose mula sa Hollywood actress na si Kirsten Dunst.
Isa si Dunst sa mga nakilala nila nang magtungo silang mag-ina sa Cannes Film Festival 2016 upang tanggapin ni Jaclyn Jose ang best actress award nito para sa pelikulang 'Ma Rosa.'
Kwento ni Andi, ang Hollywood actress pa mismo ang lumapit sa kanila upang sabihin kung gaano ito humahanga kay Jaclyn.
"Si Kirsten Dunst, hindi ko siya nilapitan. Siya 'yung kumakausap sa'kin kasi tuwang-tuwa siya kay Nanay. Sinabi niya talaga sa akin na... Sinabi sa'kin ni Kirsten Dunst na hindi ko kayo kilala pero ang swerte mo na ganyan 'yung nanay mo," pagbabalik-tanaw ni Andi.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Kasi sabi niya 'nung pinanood niya 'yung pelikula, gustong-gusto niya si Nanay. Pero 'nung nakiya niya si nanay sa personal.. 'Iam in love. I am in love with your mom'" dagdag pa niya.
Narito ang kabuuan ng panayam ni Boy Abunda kay Andi Eigenmann sa My Mother, My Story mula ng GMA:
Si Jaclyn Jose ay pinanganak noong October 21, 1963 bilang si Mary Jane Guck sa Angeles City, Pampanga. Siya ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga natatanging pagganap ay nasa mga pelikulang "Santa Santita", "Saranggola", at "Ma'Rosa", kung saan siya ay nanalo ng mga prestihiyosong parangal sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Gumulantang sa publiko ang pagpanaw ni Jaclyn noong Marso 3 ng gabi. Ilang oras matapos maglabasan sa balita ang pagkamatay ni Jaclyn, ay nagpaunlak ng maiksing presscon ang anak nitong si Andi Eigenmann. Doon, kinumpirma niya na myocardial infarction o atake sa puso ang ikinamatay ng kanyang 'nanay.'
Isa sa proyektong naiwan ni Jaclyn ay ang karakter nitong bilang si Dolores Espinas sa Batang Quiapo. Gayundin ang pelikula kung saan kasama rin nila sana ang yumaong aktor na si Ronaldo Valdez. Naikwento ito ni Ara Mina na bahagi rin ng naturang pelikulang hindi pa umano nila natapos.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh